Saturday, January 20, 2007

Boksingbol

(Bulgar newspaper, january 21 issue)

PINAYAGAN ng Korte si ex-Gov. Tony Leviste na makapagpiyansa sa kasong homicide.
Puwede na siyang LUMABAS sa ospital.

-----$$$---
UMAMIN ang PNP na umabuso sila sa pag-atake sa kapitolyo ng Iloilo.
O, paano yan, mag-resign kayo!

----$$$---
MARAMI raw LORO ang MAHUSAY NANG MAGSALITA.
Oooops, puwede nang palitan si Ignacio Bunye.

----$$$---
ISANG judge at isang Bayan Muna leader ang magkahiwalay na binaril at napatay.
May silbi pa ba ang mga parak?
----$$$--
PINEPESTE ng bird flu ang milyong-milyong manok sa South Korea.
At hindi ito MASAWATA.

----$$$---
KINUMPIRMA ng US na BANGKAY ni Abu Sayyaf chieftain Khadaffy Janjalani ang natagpuan ng mga militar kamakailan.
Sana nga.

----$$$---
PINASABOG ng China gamit ang MISSILES ang isa nilang SATELLITE sa atmosphere.
Nanginig sa takot si US Prez George Bush.
Puwede kasing PASABUGIN ng China ang SPY SATELLITE ng Kano na ginagamit sa PANINIKTIK sa Taiwan at Beijing.

----$$$---
TULAD ng paulit-ulit nating binabanggit, inamin ng mga awtoridad ang PANANATILI NG CIA, FBI at Australian agents sa Mindanao.
Gaya sa World War II-- ginagamit ngayong “battle ground” ng mga dayuhan ang Pilipinas laban sa sarili nilang mga kaaway.

-----$$$---
TINANGGIHAN ng United Opposition ang actor na si Richard Gomez na mapasama sa senatorial slate.
Lintek lang ang walang ganti?

----$$$---
KINOKONTRA ng US Congress ang PLANO ni Bush na PARAMIHIN pa ang US troops sa Baghdad.
Isa na siyang LAMEDUCK PRESIDENT.
-----$$$---
MAGLALARO ang Manny Pacquiao Warriors sa National Basketball Conference (NBC).
Ito ang tipikal na BOKSINGBOL.
-----$$--

0 Comments:

Post a Comment

<< Home