Monday, January 15, 2007

Kano ang sagwil

(Bulgar newspaper, for january 17 issue)

NAGTAPOS na ang ASEAN Summit at East Asian Conference.
Sana'y maipatupad ang free trade sa naturang rehiyon kasama ang India, China, Japan at South Korea.
Maaaring isang suntok sa buwan ito, pero mahalagang makapagsimula.
Ang lahat naman ay nagmumula sa IDEYA.
Kailangang imarka ang unang hakbang upang makarating sa paroroonan.
Gayunman, hindi sapat ang unang hakbang kasi'y maaaring tumitil ito kapag nahirapan dili kaya'y maligaw nang landas o direksiyon.
Ibig sabihin, magdaraan pa rin ito halos sa butas ng karayom kaya't tinataya ang katuparan sa susunod pang 10 hanggang 20 taon.
Maging ang European Union na may sarili nang “monetary scheme” ay nahihirapang magkasundo—pero hindi ito dapat maging balakid.
Sa totoo lang, nagsimula na ang unang pagsubok sa ASEAN at EAST ASIA BLOCK-- nang maglabas ng negatibong travel advisory ang mga mapanghimasok na BANSA NA PAWANG TUTA NG MGA KANO.
Tinakot ng mga kaalyado ng US ang mga miyembro ng bansa na may banta ng atake ng terorista sa Cebu pero natuloy pa rin ang kumperensiya.
Ganyan katraydor ang mga Kano at kaalyadong bansa nito.
Kapag kasi NAGBUKLOD ang ekonomiya ng ASEAN kasama ang China, India, Japan at South Korea-- hindi malayong bumagsak ang negosyo sa Europe at America.
Ang mga taga-Europe at America ang kakumpitensiya ng ASIAN economy kaya't dapat na maging KWIDAW ang Pilipinas.
Hindi malayong guluhin ng CIA ang mga bansa sa ASEAN tulad ng pagsuporta ng kudeta at kaduda—dudang pambobomba (gaya sa Thailand at Pilipinas) sa hinaharap upang madiskaril ang KAPAYAPAAN.
Kapag mayroong KATAHIMIKAN sa mundo—nalulugi ang negosyo ng mga Kano.
Para matiyak na magtatagumpay ang ASEAN at East Asia—unang dapat bantayan ang US.
Iyan po ang Solomonic advise—at WARNING.
-------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home