Wednesday, January 31, 2007

pacquiao for congressman

(Bulgar newspaper, for: february 01 issue)

MATAPOS tanggihan ni Manny Pacquiao ang sinasabing alok na kumandidatong bise alkalde sa Maynila, lumabas naman ngayon ang tsismis na hinihimok mismo ng Malacanang na kumandidatong congressman ang GenSan living hero.
Mahalaga kasi ang ISANG BOTO sa napipintong pagbuhay ng “impeachment proceedings” sa pagbubukas ng bagong kongreso sa taong ito.
Pero, hindi iyan ang isyu kundi ang KONSENTRASYON at POKUS ng mga ayudante ni Ate Glo sa election period.
Hindi na iniisip ng mga adviser ni Ate Glo ang negatibong epekto sa boxing career ni Pacquiao bagkus ang mahalaga sa kanila—at NAPAKAHALAGA-- ay manatili si Ate Glo sa Malacanang hanggang 2010.
Ang tanong: May ganyan bang taktika o pokus ang oposisyon?
Ang sagot: Wala!
Nakasentro lang ang bawat pagkilos o sistema ng oposisyon sa “personal” o “kanya-kanyang system”.
Kasi'y naman ay wala silang strong leader.
Nakalutang si Pareng Erap, pero hindi naman siya iginagalang ng ilang haligi ng oposisyon tulad nina Sen. Ed Angara; Sen. Ping Lacson; Senate President Manny Villar; Sen. Frank Drilon; Sonia Roco; Susan Roces; Tita Cory; Sen. Juan Ponce Enrile; at mismo ni Madame Meldy.
Baket gaano ba kaloyal kay Pareng Erap sina Makati City Mayor Jejomar Binay at Sen. Aquilino Pimentel?
Kina Sen. Jinggoy at Sen. Dra Loi, may “karga” ba ang mag-ina?
Kapag walang SUPER-LEADER-- wala ring direksiyon ang kampanya.
Nakapalinaw na pagtaya niyan.
Iyan mismo ang NAGPAPALAKAS ng loob ng Malacanang.
Maaring dumami ang oposisyon sa susunod na kongreso—pero ito ay malinaw na TSAMBA lang dili kaya'y totoong HULOG LANG NG LANGIT!
Pero, alin kaya ang mananaig: Ang “hulog ng langit” o ang “kongretong maniobra”?
Dapat na masagot yan ng oposisyon sa lalong madaling panahon.
Hanggang may sapat pang oras, dumiskarte na kayo—kahit isa itong SUNTOK-SA-BUWAN!
-------30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home