Wednesday, February 08, 2012

US WARSHIPS EVERYWHERE:A PRELUDE TO WAR

DEADLOCK na.
Magkasabay nag-EMERGENCY meeting ang mga mahistrado sa loob ng Korte Suprema at nag-caucus ang mga senador sa Impeachment Court.
Nagkakaipitan na naman sa “ENVELOP”.
Bubuksan ba o hindi ang ENVELOP na naglalaman ng “bank accounts”?
He, he ,he.

-----$$$---
MUKHANG makakaiskor ang PROSEKUSYON kaya’t NAGTAKBO sa Supreme Court ang DEPENSA.
Puwede rin na PAUTOT lang.
Sa bandang dulo ay PABUBUKSAN din ang BANK ACCOUNTS.
Kumbaga, gumigimik lang.
Para talagang TELENOBELA.
Maraming SUSPENSE at biglaan ang mga TWIST.

-----$$$---
KINUMPIRMA ng iba’t ibang intelligence sources na LUMILIBOT-LIBOT o nagrerekorida o nagro-RONDA ang iba’t ibang US warships sa buong Asia.
Ibig sabihin, aktuwal na NAGMAMANIOBRA ang US troops gamit ang mga BARKO DE GIYERA.
Sa Pilipinas, nagpapalit-palit o nagre-RELYEBO ang mga US warships sa pagdaong sa Manila Bay at iba pang DALAMPASIGAN sa Pilipinas.
Ano ang IBIG SABIHIN nito?
Para silang BOY SCOUT---ALWAYS READY.
Laging HANDA—kapag BINOMBA ng Israel ang IRAN.

-----$$$---
TAPOS na ang ISTORYA:
Imposible nang maglaban sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr.
BILYONG PISO na naging ETSAS pa.
Nalungkot si Pacman.
Lalo naman si Mareng Jinkee noh.

-----$$$---
BAGO nakaranas ng Intensity 7 earthquake ang Negros at Cebu, NABABAHALA ang mga taga-VISAYAS sa sunod-sunod na lindol sa Kabisayaan, pero DINEDMA lang ng Philvolcs.
Dapat ay nagbabala ang PHILVOLCS na ang paulit-ulit at hindi ordinaryong SUNOD-SUNOD na mahihinang LINDOL—ay hindi lang bahagi ng AFTERSHOCKS, bagkus ito ay BUWELO sa isang BIG BANG.
Nang mag-BIG BANG sa NEGROS , inamin ni Philvolcs na nagmula ito sa BAGONG FAULTLINE na wala sa kanilang MAPA.
Mas MATALINO ang mga ORDINARYONG tao kaysa sa mga eksperto.
Yung EKSPERTO kasi ay naka-KAHON sa LUMANG AKLAT.
Yung ordinaryong tao ay simpleng gumagamit ng COMMON SENSE o SINTIDO KUMON.
Kung gagamit ang mga EKSPERTO ng Philvolcs ng SINTIDO-KUMON ay magiging EPEKTIBO sila sa kanilang trabaho at RESPONSIBILIDAD.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, Feb. 09, 2012 issue, unedited; Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home