Thursday, March 08, 2012

2011 earthquake/tsunami in Japan was perfectly predicted

ANIM na PINOY ang kasama sa RICHEST MEN sa Forbes Magazine.
Kinikilabutan ako kasi’y yung mga NEGOSYO nila sa PILIPINAS ay talamak na lumalabag sa LABOR LAWS.
Pinakamayaman sila, pero ang KAYAMANAN ito ay mula sa PANG-AAGRABIYADO sa mga ordinaryong obrero.
Hindi ito isang karangalan, isa itong KAHIHIYAN.
Hindi po totoo na kasama sa naturang listahan sina Renato Corona, Neil Tupas Jr at Juan Ponce Enrile.
He, he, he.

-----$$$--
UMIIYAK at takot na takot si dating NBI director nang humiling ng PROTEKSIYON sa Korte laban sa kanyang mga kalaban.
Tingnan mo nga naman ang buhay, parang LIFE.
Yung dating BOSS na dating nagbibigay ng proteksiyon sa ordinaryong tao, siya ngayon ang NATATAKOT na mapatay.
Kumpirmasyon kaya ito na wala nang “law and order”?
Nagtatanong lang po.
At natatakot na rin.

-----$$$---
SABI ni Mareng Winnie Monsod ay NABIKTIMA rin siya ng CHILD SEXUAL ABUSE.
O, bakit kayo natawa?,
Puwede naman yun ah.
Kasi’y BATANG ISIP pa naman siya ah.


------$$$---
ASAL- HAYOP daw ang AZKAL Football Team ng Pilipinas.
Nakupp, delikado yan.
Baka magkalat ng RABIES yan.
At ibentot ang kanilang “pulang-pulang’ HOTDOG sa kalye.

-----$$$--
SOBRANG init kahapon.
Marami na namang matetepok sa STROKE at HEART ATTACK.
Ingat po tayo.

-----$$$---
INAAYOS na ang US-RP military exercise.
Huhh, magseselos na naman ang mga TSEKWA.


-----$$$---
SINUSURI ng mga scientist ang OCEAN FLOOR upang masukat kung GAANO kalaki ang biyak sa lupa sanhi ng malakas na lindol last year.
Baka naman ang makita ninyo dyan ay ang ATLANTIS.

-----$$$---
TEKA, alam ba ninyo na eksaktong isang TAON—nang EKSAKTONG magkatotoo an gating BABALA na magkakaroon ng lindol at TSUNAMI noong Marso 11, 2011 eksakto sa petsa kung kailan NALATHALA sa pahinang ito ang WARNING.
Opo, matapos ilagay sa editorial at sa kolum na ito na mag-ingat sa TSUNAMI ay eksakto sa petsang Marso 11 ay naganap ang kagimbal-gimbal na tsunami.
Yung ating SUKI sa text, ay nagsabay-sabay na nag-text—NAGKATOTOO an gating babala.

----$$$--
ITINATANONG nila kung ibinatay ko raw bay un sa HULA o astrological prediction o psychic?
Hindi po.
Ibinatay ko yun sa SCIENTIFIC NEWS at mismo sa mga ulat sa internet.
Kasabay po kasi ng WARNING sa TSUNAMI na inilathala natin noong Marso 11—ay iniuulat sa internet blogs—ang NAUNANG TSUNAMI sa Indonesia na epekto ng PAGLAPIT ng distansiya ng MOON sa EARTH.
Inuulit-ulit ng mga bloggers na tuwing LALAPIT ang distansiya ng MOON sa EARTH ay umepekto ito sa TUBIG.
At ginamitan lang nating ng LOHIKA—kung ang HIGH TIDE at LOW TIDE—ay naaapektuhan ng MOON---hindi ba’t possibleng magkaroon ng TSUNAMI sa mga araw na iyon---dahil MALAPIT ang distansiya ng MOON sa EARTH noong Marso 11, 2011.
Eksakto po ang PAGTAYA ng kolum na ito—hindi gamit ang HULA kundi simpleng LOHIKA lamang at scientific facts.
Sino ang magsasabing hindi nape-PREDICT ang LINDOL at TSUNAMI?
Na-predict natin—at ang ebidensiya ay ang NILALAMAN ng kolum na ito at editorial ng BULGAR noong Marso 11, 2011.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, March 09, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home