Monday, March 12, 2012

IMPEACHMENT: HIPO, HIMAS, SIPOL BAWAL

GRABE ang Malacanang REPORTER na si Fernan Angeles nang bugbugin, balian ng braso at pagbabarilin sa Pasig City.
Iyan po ang ating PRESS FREEDOM: Bugbog-sarado na, agaw-buhay pa!!!
Tsk, tsk, tsk.

-----$$$---
INIREREKLAMO mismo ng ilang CONCERNED CITIZEN sa loob ng Senado si Sen. Miriam dahil sa pagmumura nang “GAGO”.
Inuulit ko, ayaw ng iba na na matawag nang “GAGO”.
Mas type nila na marinig ay “TANGA” at “PUNYETA”.

----$$$---
HINDI daw totoo na ginawang ABO at itinapon sa KARAGATAN ang mga labi ni Osama bin Laden.
Hindi kaya ISINAHOG ito sa SINIGANG?

----$$$---
TINALO ng Philippine Azkals ang INDIA sa Asian Football.
Masaya rin kaya si Madame Cristy?

-----$$$---
INIREKOMENDA ang dagdag na P100 kada araw sa suweldo ng mga obrero.
Huhh, itanong muna ninyo kung SUMUSUWELDO yung ibang OBRERO na hanggang ngayon ay “puro bale” lang.
Kumbaga, marami pa rin ang mga OBRERO na hindi sumuweldo pero NAGTATRABAHO araw-araw.
Hulaan ninyo kung SAANG kompanya yan?
He, he, he.

----$$$---
MAGBIBITIW daw si Senate President Juan Ponce Enrile kapag BINASTOS si CJ Renato Corona sakaling magpunta ito sa impeachment trial sa Senado.
Oopp, narinig ninyo, WALANG HIHIPO, walang hihimas, walang SISIPOL kay CJ hah.
Baka mabastos yan at mawalan kayo ng PRESIDING JUROR.
Teka, teka, sino ba ang BASTOS kung magtanong dyan sa Senado?
Pakisagot po.


-----$$$--
HINDI mapigil ang paglobo ng presyo ng PETROLYO.
Gagrabe pa yan kapag BINOMBA ng Israel ang Iran.
Mas malala yan kapag sumabay ang pagkubkob sa Syria.

-----$$$---
SA gitna ng mga kaliwa’t kanang krisis, KALMANTE lang ang mga taga-GOBYERNO.
Nakakaloka talaga.
Hende natin maentendehan ere.
(BISTADO Column, Bulgar newspaper, March 13, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home