ANGELES' CASE: MALACANANG KWIDAW
MASUSUBOK ang kapangyarihan ng Malacanang sa kaso ng nag-aagaw buhay na reporter ng The Daily Tribune na si Fernan Angeles.
Kritiko ng administrasyong Aquino si Angeles at maging ang kanyang pahayagan kung saan, bago naganap ang pagkakabugbog, pagbali ng braso at pamamaril sa reporter na naka-assign sa mismong Malacanang ay pinigil itong makapasok sa loob ng bisinidad ng Malacanang taliwas sa kanyang mga kasamahan sa Malacanang Press Corps na pinapapasok ditto nang regular.
Kung ginagamit ng Malacanang ang lahat ng kanyang poder at puwersa upang mapatalsik si Chief Justice Renato Corona bakit hindi inatasan at kinukulit ng Malacanang ang lahat ng law enforcement agencies at intelligence units ng gobyerno upang maresolba agad ang krimen?
Isang malaking paghamon ito lalo pa’t kilalang kritiko ng administrasyon ang biktima kung saan hindi maiiwasang MADAWIT ang Malacanang sa isyu at maglaro sa isip ng ordinaryong mamamayan ang hindi magandang impresyon.
Gayunman, isa sa itinuturong motibo ng krimen ay ang pagbubunyag nito ng illegal drugs sa Pasig City kung saan ito rin ang teritoryo ng popular na SHABU TIANGGE sa MetroManila.
Sakaling mabigo ang mga awtoridad na maiturong sangkot ang sindikato ng droga sa Pasig bilang utak ng tangkang pagpatay, sino ang mapagbibintangang sabit sa kaso?
Mananatiling itong isang MALALIM NA PALAISIPAN na maaaring makasira sa reputasyon ni PNoy particular sa pinagdududahang TUWID NA DAAN.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, March 13, 2012 issue, UNEDITED. Cc: editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home