Wednesday, March 21, 2012

NORTH KOREA'S SATELLITE: SHOW OF FORCE

INABISO ng China na itutuloy nila ang pagpa-PATRULYA sa Spratlys.
Inabiso naman ni PNOY na patuloy din ang PAGDAMI ng US TROOPS sa teritoryo ng Pilipinas.
Eksakto po yan—walang labis, walang kulang.
Kayo na ang humusga!!!

-----$$$---
INIHAYAG naman ng North Korea ang pagla-launch ng SATELLITE sa atmospera upang maging magsilbing OBSERVATION SITE sa ere.
Isasagawa ang “launching” sa Abril 12-16 kung saan, maaaring BUMAGSAK ang debris sa TEST LAUNCH sakop ng karagatan ng Pilipinas.
Nanangkupoooo!!!

----$$$---
PERO, nagprotesta na ang DFA.
Pakinggan naman kaya?
Kung yung PROTESTA ng US at South Korea ay dinedma, ere pa kayang MAYNILA.
Tsk, tsk, tsk.

----$$$---
INAMIN ng US na hindi maaaring KUBKUBIN ng US at NATO ang Syria tulad sa ginawa nila sa Libya, Iraq at Afghanistan.
Bakit?
Sapagkat daw, MALALAKAS ang ARMAS ng Syria.
He, he, he.

-----$$$--
MAPAIT na katotohanan na ang BANSA na may MALALAKAS na arsenals—ay HINDI sasalakayin ng US.
Kumbaga sa mga BRUSKO na nangbu-BULLY sa mga payat at lampa, ganyan din ang KANO at NATO.
Matapang lang sila kapag WALANG ARMAS ang kalaban.
Iyan mismo ang ARGUMENTO ng North Korea.
Gumagawa sila ng NUCLEAR ARSENALS upang hindi sila KUBKUBIN o SAKUPIN ng malalaking bansa gaya ng US.
Epektib.
Hanggang ngayon, hindi sila SINASALAKAY—kahit napatunayan at inaamin nila na mayroon silang NUCLEAR ARSENALS.

-----$$$---
WALANG malakas na armas ang Pilipinas kaya’t inaapi-api at dinuduro.
Pero, mayroon tayong MALAKING POPULASYON na pagmumulan ng MAHIGIT ISANG MILYONG SUNDALO.
Yung SUNDALO—ang ipambabala ng AFP sa Kanyon—at diyan natatakot ang ibang bansa.
Habang NABABAWASAN kasi ang POPULASYON ng Pilipinas, natutuwa ang mga promoter ng RH bill.
Para sa kanila, kapag MALIIT ang populasyon, mabilis na UUNLAD ang bansa.
Pag nagkagiyera, mababawasan ang MALAKING POPULASYON ng Pilipinas—doon magsisimulang UMUNLAD an gating bansa.
Iyan ang UTAK ng mga pro-RH bill.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, March 22, 2012 issue, UNEDITED. Cc. editorsdiary.blogspot.com/ bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745 ).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home