Sunday, April 29, 2012

DAM GUGUHO SA INIT


KINUMPIRMA ng mga awtoridad na mabilis na natutuyo ang dam sanhi ng sobrang init.
Ano ang ibig sabihin nito?
Una, kapag nagpatuloy ang matinding alinsangan, manganganib na matuyot nang todo ang mga dam at makaaapekto ito sa kinokonsumong tubig na iniinom sa MetroManila.
Ikalawa, apektado din ditto ang hydroelectric system kung saan maaaring madiskaril ang suplay ng elektrisidad.
Ibig sabihin, maselan ang senaryo kapag nagkasabay ang kakapusan ng tubig na iniinom at kawalan ng suplay ng elekrisidad, iyan na ang tunay na KRISIS na walang solusyon.
Ikatlo, apektado rin ang suplay ng irrigation waters kung saan, hindi makakapagsaka ng palay at apektado ang suplay ng bigas.
Kapag walang tubig, walang elektrisidad at wala pang bigas---mistulang isinumpa ang mga Pinoy.
Ikaapat at pinakamabigat na mangyari ay ito: Kapag natuyot ang pinakailalim ng mga dam, maaapektuhan nito ang KONGRETONG PUNDASYON sapagkat magkakaroon ng BITAK ang mga kalupaan ditto kung saan nakabaon ang mismong DIKE ng mga dam.
Kapag ang matagal na pagkatuyot ng dam ay sinundan ng mabilis na pagdating ng malalakas na ulan, maaaring MAGKABITAK ang mismong pundasyon at  mawalan ito ng KAKAYAHAN o kapasidad na KUMONTROL o humawak ng BULTO-BULTONG TUBIG na biglang darating.
Nangangahulugan na ang dire-diretsong pagbitak ng sahig o pusod ng mga dam ay mapanganib sapagkat, mawawalan ito ng kakayahan na BUMUHAT ng dambuhalang bulto ng TUBIG.
Kung magkagayon, delikadong may mga DAM na biglang mawawarat sa panahon ng TAG-ULAN dahil sa nasirang pundasyon sa panahon ng TAGTUYOT.
Mahalagang masuri ng mga kinauukulan ang mga DAM particular ang ANGAT DAM na malapit nang mag-ISANG SIGLO ang edad pero walang REHABILITASYON o pagkumpuni na isinasagawa.
Matagal nang iniuulat na may DIPERENSIYA na ang malaking bahagi ng DIKE sa Angat Dam pero dinededma lang ng mga awtoridad.
Isang oportunidad ang tagtuyot upang masuri ito imbes na tumunganga sa tindi ng sikat ng araw.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, April 30, 2012 issue. Cc: bistado.blogpot.com/ @bistadoniambo.twitter.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home