Saturday, April 28, 2012

SEN. CHIZ: I' M INDEPENDENT (alam na alam ni misis)


IDINEKLARA ni Sen. Chiz Escudero na siya ay  nananatiling  INDEPENDENT.
At alam na alam daw ito ng kanyang MISIS.

----$$$--
BINIGYAN-DIIN naman ni Sen. Loren Legarda na siya ay mananatili sa Nationalist Peoples Coalition (NPC) na dati niyang partido.
Dapat ay malaman ito ni Ka Danding.

-----$$$---
ITINATWA naman ni Lakas Party President Sen. Bong Revilla na hindi sila makikipag-alyansa sa UNA.
Kasi pag nagkaganun, sila ay magiging IKATLO.

---$$$--
NILINAW ni Revilla na suportado nila ang kandidatura ni Rep. Mitos Magsaysay sa pagka-SENADOR.
At nilinaw din niya na hindi KAKANDIDATO ang kanyang misis na si Rep. Lani Mercado bilang senador.
Paglilinaw po, si LANI po ang kanyang misis, hindi  po si MITOS!!!

------$$$---
PINAYUHAN ni Senate President Juan Ponce Enrile si UNA president at vice president Jojo Binay na huwag tanggapin ang lahat ng PARTIDO na gusto makipag-alyansa.
Kasi daw ay baka maging UNITED NATIONS ang kanilang grupo.

----$$$---
HINDI malaman ni Sen. Allan Peter Cayetano kung saang PARTIDO sasama.
Sa UNA  ba?
O, sa LP?
Payong KAFATID po, sa  NP po kayo dapat kumandidato sir.

----$$$---
KAKANDIDATO rin palang senador sina Rep. Erin Tanada at Rep. Sonny Angara.
Yan mo ang BUNGA ng  impeachment!.

----$$$---
HINDI na daw kakandidato si Sen. Ping Lacson.
Ninerbiyos bigla si DILG Sec. Jesse Robredo.
Isang BIYAK na lang ng kanyang WETPU--  ang naka-UPO sa naturang ahensiya.
He, he, he.

----$$$--
IPINAGPIPILITAN naman ni DOTC Sec. Mar Roxas na hindi na siya KAKANDIDATO.
Iyan po ang desisyon ng kanyang NANAY.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, April 29, 2012 issue. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ twitter.bistadoniambo/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home