HINDI SI PACQUAIO:BUMBAY ANG HABULIN NG BIR
WALO sa 10 Pinoy ay walang
naiipon sa bangko.
Parang kulang ang detalye ng
naturang ulat.
Dapat ay kasunod nito ay
SIYAM sa 10 Pinoy ay may UTANG SA BUMBAY.
Paano daw makakaipon kung ang
suweldo ay kapos sa pambayad utang?
Marami sa mga empleado ng
gobyerno at pribadong kompanya ay nakaprenda ang ATM sa loan sharks.
Ibig sabihin, imbes ang
obrero ang mag-withdraw ng suweldo tuwing kinsenas at katapusan ay ang LOAN
SHARKS ang may hawak ng ATM at PASSWORD.
Malungkot at napakapait na
katotohanan ito.
Ang mga taga-India ay
dumadayo sa Pilipinas hindi upang magtrabaho, kundi upang magpautang ng FIVE
SIX.
Ang mga Bumbay ang
pinakamalaking “mafia” sa Pilipinas na hindi hinahabol ng Bureau of Internal
Revenue (BIR), Bureau of Immigration (BI), Department of Trade and Industry
(DTI), local government units (LGUs), National Bureau of Investigation (NBI).
Kung ang 8-Division boxing
world champion at LIVING HERO na si Manny Pacquiao ay kinakasuhan, sinisiraan
sa media at ginigipit, bakit walang ulat na HINAHABOL ng BIR ang libo-libong
BUMBAY na nagrerekida sa kalye araw-araw sa buong bansa?
Kung sinusuma ng BIR sa
multi-bilyong piso ang makokobra sa kanilang mga TAX CASES laban sa mga
professionals at negosyante, madaling sumahin na higit pa sa multi-bilyong piso
ang makokobrang TAXES kung hahantingin nila ang mga BUMBAY na nagpapautang ng
Five Six.
Bakit pinalalaya ng gobyerno
ang BUMBAY na nagnenegosyo sa “Five-Six” , hindi kinakasuhan at hindi pinagbabayad
ng buwis?
Ang kinikita ng mga
professional ay lehitimong kita mula sa pagsisinop at upang mabawi ang ginastos
sa edukasyon may dambuhalang MATRIKULA, pero ang BUMBAY ay hindi mga Filipino
at inuuwi ang KITA sa India —at
hindi napapakinabangan ng gobyerno ng Pilipinas.
Gaano kaya ang TONGPATS ng
Bumbay sa ating pamahalaan?
Sino ang TUMATABO sa illegal
na gawaing ito na lantaran at naging tradisyon sa Pilipinas: MANGUTANG NANG
MANGUTANG—hanggang may Bumbay!!!
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, April 27,
2012 issue. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/
09297740745).
0 Comments:
Post a Comment
<< Home