Saturday, April 28, 2012

SHOAL: MALAKI ANG TAMA NI ENRILE



TAMA ang  pahayag ni Senate President Juan Ponce Enrile na dapat ay suportahan ng buong populasyon ang paninindigan ni PNoy na ipagtanggol ang pag-angkin ng Pilipinas sa Scarborough Shoal.
Maganda ang deklarasyon ito ni Enrile dahil tanging ang Senado lamang ang  may disposisyon na linawin ang anumang sitwasyon na may kaugnayan sa TRATADO (treaty) o alinmang kasunduan sa ibang bansa.
Pero, imbes na linawin ni Enrile ang mutual defense treaty  at visiting forces agreement (VFA) sa United States, mas pinili niya na himukin ang mga Pinoy na suportahan ang punong ehekutibo sa pakikipag-gitgitan sa China.
Maaaring may nararamdaman panganib si Enrile dahil kulang na lamang ay hilingin nito sa mga mamamayan na magkusang mag-SUNDALO upang ipakipaglaban ang teritoryo at soberaniya ng Inang Bayan.
Malayong malayo ang pahayag at pakiramdam ni Enrile sa ilang kongresistang nabahag ang buntot sa China at hiniling na pormal na hingin ang SUPORTANG MILITAR ng Kano laban sa mga Tsino.
Mas mainam sana ay ipormal ni Enrile ang kanyang pahayag at kastiguhin ang mga kongresista na nanghihimasok sa hindi nila responsibilidad—ang makipag-ungguyan sa iyung  pang-ibang bansa.
Sa ngayon, imbes na mapayupa, sinasabing umabot sa siyam ang barko ng Tsina sa Scarborough Shoal kontra sa dalawang barko mula sa Maynila.
Kahit saang sipatin, agrabiyado ang mga Pinoy sa naturang digmaan.
Pero dapat maunawaan ng lahat, na ang digmaan ay hindi nasusukat sa BILANG ng sundalo o lakas ng armas, bagkus nasusukat ito sa KATAPATAN, PAGMAMAHAL SA BAYAN at KAHANDAAN na ibuwis ang buhay para sa INANG BAYAN.
Kung alin bansa ay pinakamaraming mamamayan na HANDANG IBUWIS ang buhay sa kanyang Republika—siya ang MAGWAWAGI.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, April 29, 2012 issue. Cc. bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ twitter.bistadoniambo/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home