Monday, April 23, 2012

Human trafficking: Protektado ng parak, LGUs



DESIDIDO talaga ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na resolbahin ang talamak na human smuggling at  trafficking sa bansa.
Sa totoo lang, marami nang NIGHT CLUBS ang hindi na naglalabas ng “all-the-way” sapagkat natatakot na MAKALABOSO at makasuhan sa isang kaso na WALANG PIYANSA.
Pero, may ilan pa ring MATITIGAS ang ulo, particular sa Quezon City, Caloocan, Maynila at Pasay City na nago-All-The-Way o naglalabas ng HUBAD na bebot.
Siyempre, alam na ninyo kung bakit ito nakakalusot.
May TARA ang mga parak at lokal na opisyales.

----$$$--
SA kabila nito, hindi tumitgil ang IACAT sa pagtugis sa mga operators ng club.
Nakipagtulungan ang IACAT sa International Justice Mission (IJM) at Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas nang isagawa ang isang kumperensiya na may temang : “Human Trafficking Beat: Combating Trafficking through Responsible media partnerships”.
Idinaos ito sa Richmond Hotel sa Ortigas Center, Pasig City.
Tinalakay ditto ang maseselang gabay sa media professionals kaugnay ng pag-uulat sa human trafficking, mahahalagang batas, kompidensiyal na impormasyon at siyempre ang PATAS o walang kinikilangang pag-uulat.
Sa naturang kumperensiya, inihain ng KBP ang isang dokumento na tinawag nilang  “Manifesto for Media Practitioners on Combating Human Trafficking na naglalayong tulungan ang gobyerno sa pagsugpo ng naturang problema.
Sagot ito ng KBP sa RA 9028 o “Anti- Human Trafficking Act of 2003” na nagtataas ng antas sa propesyunalismo at etika ng mga mamamahayag.

-----$$$--
HINILING ni KBP President Ruperto S. Nicdao na i-ere ang mga impormasyon na inilalantad ng IACAT mula pa noong Abril 15 hanggang Hunyo 30, 2012 kabilang ang “Call Action Line 1343” na maaaring tawagan ng mga biktima o mga impormante upang maresolba ang krimen na bumibiktima ng mga menor-de-edad.
Ang ‘Call Action Line 1343” ay bukas po nang 24-ORAS kaya’t maaaring magsumbong kaugnay ng nakikita ninyong KALASWAAN at pagre-recruit ng mga menor-de-edad particular sa mga night clubs o bahay-aliwan.
Tiniyak ng under-secretary-in-charge ng IACAT na si Jose Vicente Salazar na aaksiyunan agad ang inyong sumbong at reklamo at mananatiling kompidensiyal ang inyong impormasyon na ipapaabot sa ahensiya.
Sana’y ito ang simula upang maresolba ang pesteng  human trafficking sa bansa.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, April 24, 2012 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home