CHINA SEA WAR IN THE OFFING
KUNG dati-rati ay MARAMI ang
nagsasabi na MALABONG magkaroon ng komprontasyon sa Scarborough Shoal, iba na
ngayon ang PAGTAYA.
Marami na ang naniniwala na
anumang oras ay maaaring maging GRABE ang sitwasyon.
Bakit?
Sapagkat alinman saChina
at Pilipinas ay WALANG PAHIWATIG ng pag-atras o PAGSUKO.
Sapagkat alinman sa
Imbes na humupa, lalong
TUMITINDI ang girian.
----$$$---
SUMASALI na rin ang mga
international media.
Direkta nilang kinokober ang
pagpasok ng CHINA sa teritoryo ng Pilipinas.
Malinaw na ang posisyon ng
Kamara ng mga Representante
Pabor sila na lumantad at
tuwirang humingi ng SAKLOLO sa US.
Malinaw na hindi ito
magpapahupa.
Malinaw na MAGPAPALALA ito ng
sitwasyon.
-----$$$---
ANG China, imbes na magpahupa
ng sitwasyon ay nagpapagrabe rin.
Nagdagdag ng vessels at
patuloy ang BATIKOS sa administrasyon ni PNoy.
Inaantay na lang ang aktuwal
na PUTUKAN ng baril—at biglang SASALI sa AWAY ang Kano .
Sa madaling salita, imbes na
MARESOLBA ang krisis sa ekonomiya, walang duda, magiging GRABE ito hanggang sa
nalalabing termino ni PNoy.
Kapag kasi MUHI, GALIT,.
HINAGPIS at paghihiganti ang NAKATANIM sa puso ng isang LIDER—magbubunga rin
ito ng GALIT at GULO sa kabuuan ng bansa.
Kailangan ay unawa,
pagmamahal at pag-ibig ang nasa puso n glider ng bansa, imbes na PAGHIHIGANTI
at POOT.
Ang pag-ibig ay magbubunga ng
PAG-IBIG.
Ang poot at muhi ay AANI rin
ng sumpa at HINAGPIS.
-----$$$--
IKINAGAGALIT ng China
ang pagrereklamo ng Pilipinas sa
International Court .
Paano mareresolba yan kung
ang buong bansa ay suportado ang naturang AKSIYON?
Walang puwang ang negosasyon
sa dalawang bansa.
Imbes na magkausap at
magkasundo, nagpapalitan ng PATUTSADAHAN.
Kumbaga, parehong walang
DIPLOMASYA.
----$$$--
ANG kasunod nito ay ECONOMIC
EMBARGO laban sa Pilipinas.
Matitigil ang economic deal
ng dalawang bansa.
Sino ang agrabiyado?
Sige, kayo na lang ang
sumagot.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper,
April 27, 2012 issue. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
0 Comments:
Post a Comment
<< Home