Tuesday, April 24, 2012

CHAIN OF SUPERMARKETS ANG ISMAGLERS



PINAYAGAN nang MAGTAAS ng singil ang 200 ISKUL.
Sino ngayon ang maysabi na WALANG INFLATION?

----$$$---
IBINASURA ng Korte Suprema ang mosyon ng Hacienda Luisita.
Kinatigan nito ang NAUNANG desisyon na IPAMAHAGI ang lupa sa mga MAGSASAKA.
Lalong magagalit si PNOY kay CJ Corona.
Tsk, tsk, tsk.

----$$$---
ALAM ba ninyong PINABORAN lang 14 mahistrado ang DESISYON ng administrasyon ni dating Pangulong Aquino na ipamahagi ang Hacienda Luisita sa mga magsasaka?
Tama po, iyan din ang isa sa DAHILAN kung bakit MABUBULOK sa bilangguan si Ate Glo.
Delikado ring MASIBAK sa puwesto at mawalan ng BENEPISYO ang PUNONG MAHISTRADO.

-----$$$--
ANG problema, matatabunan na ang isyu sa IMPEACHMENT TRIAL ng pag-agaw ng China sa Scarborough Shoal.
Kapag nakisali uli si PNOY sa isyu ng impeachment, bubuskahin siya ng mga KRITIKO.
Kasi’y uubusin niya ang ORAS sa pangangantiyaw kay Corona imbes na HARAPIN ang naghahamong mga Tsino sa China Sea.

-----$$$--
ISANG malaking problema ni PNoy ay ito:
Una, kapag NAABSUELTO si Corona.
Ikalawa, kapag NANATILI ang Chinese vessels at dagdagan pa ng military ship ang Scarborough  Shoal sa mga susunod na araw.
Ikatlo, kapag NAABSUELTO si Ate Glo.
Ikaapat, kapag NATALO ang mayorya ng mga KANDIDATO ng Liberal Party sa 2013 election.
Saan kaya pupulutin si PNoy?

-----$$$--
TUMABO ng P469 milyon ang dumaraming CHAIN OF SUPERMARKET.
Mura daw kasi ang mga BILIHIN ditto.
Kasi HARI NG MGA ISMAGLER ang may-ari nito.
Masyadong HENYO,  kaya tuloy ang ILLEGAL.
He, he, he.

------$$$---
KAPAG kumandidatong SENADOR  ang mga TAGA-BANTAY ng SMUGGLED GOODS sa Customs, tiyak BILYONES ang Kontribusyon ng TSEKWA.
Kapag nanalo ang mga KANDIDATO ng Tsekwa, tuloy ang LIGAYA ng mga ISMAGLERS.
Tsk, tsk, tsk.


-----$$$--
DIREKTANG binantaan ng North Korea ang South Korea na pasasabugan ng NUCLEAR BOMB.
Sa loob lang dawn g APAT NA MINUTO, matutunaw ang SEOUL.
Kakatakot naman.


------$$$--
LINGID sa kaalaman ng marami, hindi sa karagatan lamang nagsasagupa ang Pilipinas at China kundi sa modernong CYBERWORLD.
Opo, hindi mapipigil ng mga awtoridad ang PATRIOTIC HACKERS ng Pilipinas at China na MAGWAWASAK ng website.
Hindi sila sakop ng alinmang gobyerno o alinmang batas.
Iyan ang malaking problema ng United Nations.
Sila ang SUPRA-TECHMAN sa kasalukuyang panahon.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, April 25, 2012 issue, UNENDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home