Monday, April 23, 2012

'SENSIYA NA 'TOL, NO YAGBOLS




KUNG magiging MATAPANG lang  ang mga SUNDALONG Pinoy, walang magagawa ang puwersa at lakas ng China sa pinag-aagawang Scarborough Shoal.
Bakit?
Kasi’y ubod nang layo ng China sa naturang teritoryo na aabot sa mahigit 500 nautical miles kompara sa 150 nautical na layo nito sa Palawig at Masinloc, Zambales.
Kailangan lang ay inobasyon at suporta ng gobyerno upang alalayan ng gun boats ang maliliit mangingisda.
Sa totoo lang, kung ang mga mangingisda ng Zambales ay kasintapang ng mga Muslim, hindi mapapakialaman ng Tsino ang naturang fishing area at delikadong mapugutan sila.
Iyan ang sekreto kung bakit ang MINDANAO at nanatiling Mindanao sapagkat IBINUBUWIS ng mga Muslim ang kanilang BUHAY sa kanilang ANCESTRAL DOMAIN.
Pero, ang mga sibilyang taga-Zambales ay dapat na makalmante lamang  sapagkat ang MAS MAY PANANAGUTAN na magbuwis ng buhay sa naturang teritoryo na sakop ng Pilipinas ay ang mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Kung seryoso at malinaw ang paninindigan ng Pilipinas sa pag-angkin sa Scarborough Shoal, dapat ay badyetan ito ng Kongreso upang proteksiyunan ang INTERES ng bansa at maipreserba ang SOBERANIYA ng Republika ng Pilipinas.
Kapag nakataya ang DIGNIDAD ng Inang Bayan, kahit gaano kalaki ang PONDO—ay makatwiran ito o JUSTIFIED.
Kung tameme at ngunguyngoy-ngungoy  lamang ang gobyerno at AFP, aba’y hindi natin masisisi ang CHINA na ungguyin ang naturang lugar.
Kapag naagaw ng China ang Scarborough Shoal, hindi natin sila masisisi, bagkus ang SISIHIN natin ay ang ating SARILI.
Hindi kasi nating KAYANG IBUWIS ang buhay para sa INANG BAYAN.
Pasensiya tayo.
Pero delikadong pati MAYNILA—ay manggkin ng mga kampon ni Limahong dahil sa iisang dahilan: Tayo’y pawang mga walang YAGBOLS.
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, April 24, 2012 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home