Tuesday, April 24, 2012

CHINA VS PHIL: PATRIOT HACKERS' WAR





MAINIT pa ring isyu ang posibleng  giyera ng Pilipinas at China.
Bagaman marami ang nagsasabi na MALABONG MAGANAP ito, pero mas magandang suriin  kung ano ba ang “digmaan” batay sa kasaysayan ng daigdig.
Kailan ba nagsimula ang mga giyera sa nasyon laban sa mga nasyon at nang lumaon ay estado laban sa estado?
Ano ang pagkakaiba ng  “nasyon” sa “estado”?
Ang nasyon ay nakabase sa lahi o dugo ng lahi na binubuo ng mga mamamayan kung saan maaaring wala silang sariling teritoryo pero may sariling KULTURA at IDEOLOHIYA.
Isang halimbawa ng Nasyon na walang teritoryo ay ang PALESTINE o para sa mas malapit na eksampol ay ang “Bangsa Moro”. Dati rin ay walang “teritoryo ang Israelites” , pero nang masakop ang dating lupain ng Palestine, sila ay naging ESTADO.
Ang Palestine ay nagnanais na maibalik ang kanilang teritoryo upang maging muling ganap na ESTADO.
Patuloy ang digmaan ng Palestine at Israel dahil sa agawan ng teritoryo, sapagkat ang TERITORYO—ay isa sa mahalagang pundasyon ng isang TUNAY NA ESTADO.
Bukod ditto, ang bawat digmaan ay gumagamit ng iba’t ibang armas.
Madaling ugatin ang mga naunang digmaan sa istorya sa Bibliya kung saan mga patalim o ESPADA ang mga unang armas kung saan ito ang dala-dala ng mga tauhan ni Herodes.
Nang maimbento ang baril, ito na ang pinakamalakas na armas noon, kasunod ng digmaan sa kalupaan, nalipat ang giyera sa gitna ng mga karagatan tulad sa nagaganap sa Scarborough Shoal at nagkaroon na rin ng bakbakan sa kalawakan.
Hindi na nabanggit sa Bibliya ang digmaan sa gitna ng karagatan pero nakita ito sa PANGITAIN sa Apocalipsis kung saan binanggit ang GIYERA- MUNDIAL na tutunaw sa daigdig---dahil inilarawan ditto ang DAMBUHALANG HALIMAW na sumusungaw mula sa karagatan at mga INSEKTO at ibon na sumasalipawpaw sa kalawakan sa gitna ng giyerang hinuhulaang magaganap.
Ang nuclear bomb na kinatatakutan ng lahat ay idinidikit sa dahilan ng PAGKASUNOD ng ikatlong bahagi ng daigdig kung saan ipinakita sa Apocalipsis at sa hula ni Nostradamus—na MASUSUNOG ang malaking bahagi ng mundo.
Gayunman ang lahat ng armas—patalim, baril, warships, jetfighter at armas-nuclear ay nasapawan ng MODERNONG henerasyon ng CYBERWORLD.
Ibig sabihin, hindi lang sa lupa, dagat at himpapawid ang modernong digmaan---kundi sa CYBERSPACE---na siyang nagaganap ngayon sa pagitan ng China at Pilipinas.
Hindi na rin armas na nakamamatay ang kasali sa digmaan kundi mga computer programs at telekomunikasyon na LULUMPO sa operasyon ng isang GOBYERNO tulad sa nararanasang HACKING sa Pentagon, White House, Malacanang at mga cybertech sa China.
Ang maselan ngayon, ang ESTADO ay malilipasan din ng epekto sapagkat ang ideolohiya at kultura ay nakatanim sa NASYON o lahi ng isang mamamayan kung saan ang mga PAG-ATAKE gamit ang  cyberspace ay maaaring magmula sa iba’t ibang panig ng DAIGDIG.
Ibig sabihin, ang mga patriotic hackers ng China at Pilipinas ay hindi mapipigil ng alinmang teknolohiya at alinmang “batas ng tao’ o “kasunduan” sapagkat sila ay binubuo ng mga KABATAANG mas may control ng siyensiya sa komunikasyon higit sa mga may control ng gobyerno.
Ang cyberwar ng China at Pilipinas ay kinasasangkutan ng mga CYBER SOLDIERS mula sa hanay ng mga kabataan na walang ibang pananampalataya at katapatan maliban sa PAGMAMAHAL sa kanilang NASYON na pinagmulan.
Ang conventional war ay isang lipas nang klase ng digmaan.
Ang uso ngayon ay CYBERWAR ng mga PATRIOT HACKERS!!!
(EDITORIAL, Bulgar newspaper, April 25, 2012 issue, UENDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home