Monday, May 07, 2012

ARI NI CORONA IBUYANGYANG


HIMOK ni PNoy kay CJ Corona:
BARE ALL ASSETS TO PUBLIC!!
Iyan isang MASELAN isyu.
Iyan din ang totoong BOLD DECISION.

----$$$---
MAS masagwa yan kapag tinagalog natin.
Mr. Corona, IBUYAYANG mo sa publiko ang iyong ARI.

----$$$---
KAYO ano sa palagay ninyo ang isasagot ni Corona?
Simple lang, KUNG PAHIHINTULUTAN ako ni Misis ko.
Kasi sa ngayon, tanging si MRS. CORONA lang ang nakakita at nakakaalam ng ARI ni Corona.
At ang ARI ni Misis, si mister lang ang may HURISDIKSIYON.
Iyan po ang prinsipyo ng CONJUGAL PROPERTY.

-----$$$---
INABISO ng         mga defense lawyer na HINDI TETESTIGO si Corona.
Kasi’y baka IPAHAMAK niya ang kanyang SARILI.
Ang tawag diyan ay SELF-INCRIMINATION.

----$$$---
PERO may malaking problema sa impeachment.
Iniulat kasi na MAY SAKIT at mahina ang RESISTENSIYA ni Presiding juror Juan Ponce Enrile.
Madali siya kapitan ng SIPON at ubo.
Ang problema ay kapag NATAPAT na may SIPON o may BARA ang ilong ni Enrile.
At tawagin si Corona:
Kapag may BARA ang ilong ni Enrile, masagwa ang madidinig natin—kapag isinigaw niya :”TUMAYO ANG TESTIGO!! TUMAYO ANG TESTIGO!!!”, sabay pahid ng panyo sa ilong.

-----$$$---
AAPURAHIN daw ang impeachment trial.
Iyan na mismo ang KANGAROO COURT.

-----$$$---
MALULUNGKOT          sina Erin Tanada at Sonny Angara kapag tinapos agad ang impeachment.
Mapagkakaitan sila ng LIBRENG SENATORIAL CAMPAIGN .
He, he, he.

-----$$$---
HINAHAMON ni Floyd Mayweather Jr si Manny Pacquiao.
Pero sa isang KONDISYON: SA NAIA TERMINAL 3—gaganapin ang LABAN.
Para daw WALANG AAWAT.


-----$$$--
KUNG gusto talaga ni Mayweather na walang aawat sa kanila ni Pacquiao, may isa akong irerekomendang lugar
Doon kayo maglaban sa SPARTLYS.


----$$$--
MAY nag-text: TAMA daw ang ibinabala natin sa kolum na ito na may EPEKTO ang SUPERMOON sa UTAK ng tao.
Tinukoy niya na NAAPEKTUHAN ng SUPERMOON ang “UTAK” nina Claudine Barreto, Raymart Santiago at Mon Tulfo; gayunin ang DABARKADS ng mag-asawang artista.
Hindi nila NAKONTROL ang kanilang MATINONG ISIP!!!

-----$$$--
NAUNA dyan, naapektuhan din ng SUPERMOON ang UTAK ng mga NAMBUGBOG kay ALBIE CASINO sa Fiamma Bar sa Makati City.
Ilan lang yan sa IMPLUWENSIYA ng MOON sa utak ng tao.
Mag-ingat ang lahat, kasi’y kabilang ditto posibleng pagdami ng kasong rape, masaker, pagpapatiwakal, pangho-hostage, pagkabaliw at mga KARUMAL-DUMAL na krimen.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 08, 2012 issue. Cc: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/  bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745) 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home