Monday, April 30, 2012

ARAW NG PAG-NGAWA


ARAW ngayon ng PAGGAWA.
Araw din ng PAG-NGAWA ng mga obrero.

-----$$$---
MAGBABANTAY ngayon ang 5,000 parak.
Iyan ang trabaho nila sa LABOR DAY.

-----$$$---
NAWALA na sa tamang direksiyon ang labor movement sa Pilipinas.
Nalihis na ang MILITANTENG grupo.
Akala nila ang ibig sabihin ng LABOR—ay pagiging MILITANTE.
Tsk, tsk, tsk.

-----$$$--
NALIMUTAN na nila si Ka Amado V. Hernandez.
Nawala na ang mga Sakdalista na orihinal na grupo ng mga manggagawa

----$$$--
ANG mga lider ng mga MANGGAGAWA ngayon ay hindi naman mga OBRERO..
Ang mga lider ng mga MAGSASAKA ay hindi naman MAGBUBUKID.
Ang mga lider ng mangingisda ay hindi marunong sumagwan at humawak ng LAMBAT.
Ang  lider ng mga security guard ay hindi naman GUWARDIYA.
Ang mga lider ng MAHIHIRAP, ay hindi naman NAGDARAHOP.

-----$$$---
AYAW ng China na humarap sa UN court.
Nandun kasi si Sen. Miriam.

----$$$--
PARA kay  Miriam, lahat ng MADE-IN-CHINA ay PALPAK.
Pero, nag-SORRY naman siya kahit HULI na.

-----$$$---
AYON kay CORONA, RESBAK ni PNoy ang $10M case.
Binutata kasi ng Suprema Court ang Hacienda.
Ipamigay  din kaya niya ang DOLYARES?

----$$$--
DAPAT daw i-BAN ang Chinese goods.
Huhhh, TITIGIL  ang MERKADO sa Pilipinas.

-----$$$---
PWEDE daw makaranas ng HEAT STROKE ang mga HAYOP.
Sabihin ninyo yan sa mga BUWAYA sa gobyerno.

-----$$$---
2ND largest Catholic nation sa Asia ang Vietnam.
Hindi kaya mauso din dun ang PEOPLES POWER?

-----$$$---
NAGALIT si ex-Comelec chairman nang di payagan na makapag-PIYANSA.
Baka naman wala siyang TWO-HUNDRED.

----$$$---
SA mga sumusubaybay sa away ng Pilipinas at China sa Scarborough Shoal, alam ba ninyo na mareresolba ang GULO ilang araw mula ngayon, Mayo Uno?
Bakit?
Sapagkat sa susunod na tatlo o apat na LINGGO, magsisimula nang PUMATAK ang malalakas na ulan.
Magsisimula nang BUMAGYO at magkaroon ng UNOS sa karagatan.
Pustahan tayo—MAG-UUNAHAN ang SIYAM na barko ng China na bumalik sa MAINLAND.
Walang anumang BARKO na maiiwan sa bisinidad ng Scarborough Shoal.
Kasi’y LALAMUNIN na ng China Sea ang naturang teritoryo.

-----$$$--
DAPAT ninyong tandaan: Tinawag na Scarborough Shoal ang naturang LUGAR—kasi’’y pangalan ito ng LUMUBOG na barko sa naturang lugar.
At mahirap paniwalaan na papayag ang BEIJING ang istorya ng kanilang barko sa naturang lugar.
Opo,  mareresolba ng WEATHER o PANAHON ang naturang SIGALOT.
Iyan ang tipikal na WEDER-WEDER lang.
He, he, he.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 01, 2012 issue. CC: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home