Monday, May 07, 2012

RAYMART-TULFO BOUT: OFFENSE AGAINST MEDIA


NAPAPANAHON ang opisyal ng pahayag ng bagong halal na pangulo ng National Press Club of the Philippines (NPC) na si Benny Antiporda kaugnay ng pambubugbog ng dabarkads ng actor na si Raymart Santiago sa 65-anyos na lifetime member ng NPC na si Ramon Tulfo.
Kinondena ni Antiporda ang marahas na aksiyon ni Santiago at mga kabarkada nito sa pananakit  kay Tulfo kung saan nakuhanan ito ng video klip ng isang concerned citizen.
Naniniwala ang bagong NPC president na walang karapatan ang grupo ni Santiago na ilagay sa kanilang KAMAY ANG BATAS sakali mang minasama nila ang pagkuha ng litrato sa aksiyon ng aktres na si Claudine Barreto na dinadakdak ang ground crew sa NAIA Terminal 3 noong Linggo.
Nilinaw ni Antiporda na ang aksiyon ni Tulfo na irekord ang eksenang kanyang kinunan ng litrato ay lehitimong aktibidad ng isang mamamahayag kaya’t maihahanay ang kaso bilang isang PANG-AABUSO laban sa media.
Binigyaan-diin din ang pagiging inutil ng airport authorities at mga security personnel na maawat at mapigilan ang ganoong klase ng pananakit kung saan sila mismo ang may responsibilidad.
Hindi lang nilabag ng mag-asawang artista ang moralidad, binalewala nila ang regulasyon ng airport, nilabag ang karapatang pantao ni Tulfo at yinurakan ang kalayaan sa  pamamahayag.
Nakakadismaya naman ang pahayag ng Malacanang na hindi sila makikiaalam sa isyu na nagpapatunay ng kawalan ng malasakit ni Pangulong Aquino sa kaligtasan ng mga mamamahayag sa kanyang administrasyon.
Kasabay ng insidente sa NAIA Terminal 3 noong Linggo, inihalal ang bagong pamunuan sa NPC na pinamunuan ni Antiporda kasama sina Vice President  Marlon Purificacion; Secretary Louie Logarta; Treasure Jerry Yap; Auditor Rolly Gonzalo; at ang mga bagong directors na sina Mina Navarro, William Depasupil, Alvin Murcia, Ronniel de Guzman, Arlie Calalo, Paul Gutierrez, Joel Egco, Tina Maralit, Nats Taboy at Boying Abazola.
Anu’t anuman, isang malaking paghamon sa bagong pamunuan ng NPC na ituloy ang pakikipaglaban sa malayang pamamamahayag at magkusang proteksiyunan ang mga miyembro na ISINASAISANTABI lamang ng pamahalaan.
(EDITORIAL NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 08, 2012 issue. Cc: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/  bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745) 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home