Saturday, May 05, 2012

SUPERMOON:EARTHQUAKE, TSUNAMI, WAR TODAY




BINABATIKOS ang administrasyon Aquino kasi’y BINAKURAN o ITINAGO gamit ang matataas na BAKOD ang mga SLUM AREAS sa MetroManila.
Layunin nito na hindi makita ng mga delegado sa ADB meeting ang NAGDARAHOP na bansa.
He, he, he.

-----$$$---
BINAWI ni Presidential spokesperson Abigail Valte ang sinabi ni PNoy na wala nang katiwalian sa kanyang gobyerno.
Inamin ni Valte na LAGANAP pa rin ang katiwalian.
Yan ang KAPANI-PANIWALA at hindi pambo-BOLA.

-----$$$--
HINDI na raw  “SICKMAN OF ASIA” ang Pilipinas.
Isang KALOKOHAN.

-----$$$--
ISANG vice mayor na pambato ng Liberal Party ang binaril at napatay sa Capiz.
Nagsimula nang dumanak ang dugo sa 2013 elections.

-----$$$--
KAKAIBANG laki ng BUWAN ang masisilayan ngayon.
Binansagan itong SUPERMOON.
Ang liwanag at ningning ay halos 50 PORSIYENTO ang tingkad.
Masamang PANGITAIN ito sa matatanda.


-----$$$--
IPINIPILIT ng mga taga-PAGASA weather station  na walang epekto ito sa MUNDO o kahit sa tao.
Mali po yan.


----$$$--
ANUMANG pagbabago sa hilatsa o ANYO ng buwan ay lagging may IMPLUWENSIYA sa MUNDO.
Direktang naiimpluwensiyahan din nito ang TAO.
Dahil ang buwan ay direktang may IMPLUWENSIYA sa TUBIG.
Tubig sa ibabaw ng mundo.
Tubig sa katawan at mismo sa UTAK ng tao.


----$$$--
NANGANGAHULUGAN ito na maaaring magkaroon ng malakas na lindol, tsunami at iba pang kalamidad at trahedya mula sa impluwensiya ng MALAKING BUWAN sa araw na ito, Mayo 6--hanggang sa Mayo 13.

-----$$$--
KUNG apektado ng MALAKING BUWAN ang tubig sa utak ng tao, marami ang SUSUMPUNGIN.
Kabilang sa epekto ay ang pagka-BALIW ng mga taong may PSYCHOLOGICAL DISORDER.
Ang mga may psychological disorder ay kabilang ang mga nakaranas ng TRAUMA o biglang PAGKAMATAY ng kanilang MAGULANG, asawa, anak o sinumang MAHAL sa buhay.
Ibig sabihin, hindi dapat magdesisyon ang mga dumaranas o nakaranas ng TRAUMA sa araw na ito, sa PAGBIBILOG NG BUWAN.

-----$$$--
KAHIT ang mga normal na tao o may MAAYOS na kaisipan ay apektado rin ng kakaibang MALAKING BILOG ng buwan.
Nangangahulugan na maaaring MAGKAMALI ng desisyon ang mga POLITIKO o lider ng gobyerno kung saan, maaaring biglang magkaroon ng GIYERA o digmaan dahil sa MALING DESISYON.
Sa ngayon, nasa bingit ng digmaan ang NORTH KOREA at SOUTH KOREA.
Nasa bingit din ng sigalot ang CHINA at Pilipinas.
May iba pang lugar ang nasa bingit ng giyera kabilang ditto ang Syria, Iran, United States, Pakistan, India, Libya, Yemen at maging ang ilang bansa sa Middle East.

-----$$$-
MALING desisyon ng ordinaryo at LIDER ng mga bansa ang maaring maging epekto ng MALAKING PAGBIBILOG ng buwan.
Pero, ito ay hindi natin matutukoy—sa araw na ito, bagkus, masasaksihan natin ang EPEKTO mula ngayon hanggang sa ikapitong araw o sa petsang Mayo 13.
Inuulit ko, mag-ingat mula ngayon hanggang MAYO TRESE!!!

----$$$--
ALAM ba ninyo na nagbabala ang kolum na ito nang MAIREKORD ang pinaka-MALAPIT na distansiya ng MOON sa EARTH.
Ibinabala natin ang posibleng pagkakaroon ng LINDOL at TSUNAMI.
At ito ay aktuwal na NAGANAP sa petsang inilabas ang isyu ng babala at nang maganap ang LINDOL at TSUNAMI sa Fujiyama, Japan noong nakaraang taon.
Walang masama kung mag-IINGAT lalo na’t may BATAYAN at LOHIKA.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, May 06, 2012 issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on Twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home