Saturday, May 05, 2012

WILD, WILD, WILD PHILIPPINES


HINDI na maiiwasan ang madugong eleksiyon.
Tradisyon na ito sa Pilipinas.
Eksaktong 12 buwan na lamang bago ang local at senatorial elections sa Mayo, 2013—pero sunod-sunod na ang pananambang at pagpatay sa mga politico at mga lider.
Mula Mindanao, Visayas hanggang sa dulo ng Luzon ay nagkalat ang mga armadong bodyguars ng mga politico.
Pero, dinedma lang ito ng mga awtoridad.
Sa Mindanao, pinakagrabe ang sitwasyon sa mga lugar na kontrolado ng MILF at MNLF sapagkat sila ay may “permiso” na mag-armas.
Ito ang dahilan kung bakit ang halos lahat ng politico sa Mindanao ay may mga bodyguards na hindi kukulangin sa apat hanggang 12 armadong goons.
Sa Kabisayaan din ay ganyan, hindi papaya gang mga politico na mag-armas at marami ditto ay nagpapasuweldo ng mga ex-militar, ex-pulis at EX-CONVICT upang proteksiyunan sila laban sa kalabang politico na walang duda na armado rin.
Sa Luzon, nananatiling pinakamapanganib ang Abra at iba pang lugar mula Region 1 hanggang Region 3 kung saan lahat halos ay may mga alalay na armadong kalalakihan.
Iyan din ang eksena sa Region 4, Region 5 at Region 6 kung saan mahihirapan na ang gobyerno na makontrol ang mga pribadong sundalo.
Ang MetroManila ay hindi nalalayo sa magulong Mindanao, Visayas at Dulong Luzon sapagkat mas high tech ang mga politico ditto kung saan may lehitimong sundalo at pulis ang pinasusuweldo nila bilang mga bodyguards.
Mahalagang maglabas ng direktiba ang Comelec at DILG kung paano maiiwasan ang isang MADUGONG eleksiyon  na nagsisimula na ngayon!!
(EDITORIAL NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 06, 2012 issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on Twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home