Tuesday, May 01, 2012

A PAUPERDOM OF PNOY OR A KINGDOM FOR THE BRAVE?



TINITINGALA ngayon ang Pilipinas sa buong mundo.
Kasi’y maikukumpara sa  tapang ng living hero na si 8-division world boxing champion Manny Pacquiao an gating mga sundalo na nakikipaggirian sa gitna ng Scarborough Shoal at  hindi NATATAKOT sa superpower na China.
Pero ang kadakilaang ito ay binura at kinulapulan ng MABAHONG PUTIK  nang umastang nagmamakaawa ang Administrasyong Aquino sa paanan ng White House kung saan buong KAPAL-NG-MUKHANG nakiusap na bigyan sila ng tulong upang makabuo ng malakas na maritime forces—kahit sa MINIMUM level lamang.
Anong lakas o puwersa mayroon ang MINIMUM capacity kontra sa bruskong puwersa ng China?
Bakit kinakailangang magmistulang pulubi at hampas-lupa ang Pilipinas sa MATA ng mga aristokratong at mapanlait na Kano?
Ang hinahangaan sa PINOY ay ang tapang tulad ng tapang ni Pacquiao nang talunin at pahalikin sa lona ang mga super-boxer na sina Marco Antonio Barrera, Erik Morales, Oscar dela Hoya, Antonio Margarito at Miguel Cortto.
Pero ang ginawa ng Foreign at Defense secretaries ng bansa na pakikiusap ng suportang military sa US ay hindi lamang pagsapaw sa RESPONSIBILIDAD ng Senado bagkus ay isang pang-iinsulto sa katinuan ng ordinaryong mamamayan.
Ipinahamak nina Foreign Secretary Alberto de Rosario at Defense Secretary Voltaire Gazmin ang DIGNIDAD ng pagiging isang Filipino.
Ang tanong: Hindi ba’t pag-amin ng kahinaan ng Republika ang paghingi ng tulong sa US gayong walang giyerang nagaganap?
Hindi ba maaaring IPAGTANGGOL ang isang bansa ng kanyang mamamayan nang hindi umaaktong pulubi at hampas-lupa sa mata ng daigdig?
Masarap lamang ang KALAYAAN, SOBERANIYA at DEMOKRASYA kapag ito ay NATAMO sa sarili nating kakayahan at tapang?
Para saan ang demokrasya, kalayaan, Republika at SOBERANIYA kung ang iyong pagiging BANSA ay nakasandal sa asiste o AWA ng ibang bansa?
Masasagot bay an ng Malacanang at mga sundalo?
Ang SOBERANIYA na natamo mula sa pag-ayuda ng ibang bansa ay isang PALSIPIKADONG soberaniya, bagkus ito ay isang aktuwal na KOLONYA ng makakapangyarihang bansa.
(EDITORIAL KA AMBO, Bulgar newspaper, May 02, 2012 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ o9297740745) .

0 Comments:

Post a Comment

<< Home