Thursday, May 10, 2012

Bakit palpak ang pork holiday?



TILA hindi tumalab ang idineklarang Pork Holiday ng mga hog raisers.
Kasi’y walang bissa  ito sa mga may ALTA-PRESYON.
Lifetime na silang nakikiisa sa PORK HOLIDAY.

-----$$$--
NANGANGAHULUGAN kaya ito na MAS MARAMI ang nagda-DIET at dumaranas ng HIGH BLOOD PRESSURE kaya’t walang latoy ang naturang protesta?
Maaaring marami rin ngayon ang VEGETARIAN kaya’t balewala sa kanila ang pork holiday.

-----$$$--
KUNG may Pork Holiday ang mga hog raisers, dapat ay magdeklara rin ng PORK BARREL HOLIDAY ang mga kongresista at senador.
Hindi muna nila TITIKMAN ang kani-kanilang “PORK”.

-----$$$--
SA totoo lang, hindi naman nabago ang BENTAHAN ng litson sa Laloma at Cebu.
Patuloy sila sa paglilitson.
Nasaan ang pork holiday?

----$$$--
KAHIT ang mga botcha ay nagkalat din.
Maaari rin kayang  nagdeklara sila ng pork holiday, para MAUBOS muna ang BOTCHA?
He, he, he.

----$$$--
YUNG kasing NAGKALAT na botcha ay nagmula rin sa malalaking HOG RAISERS sa Bulacan kung saan maraming NANGANGAMATAY na baboy dahil sa matinding init.
Kapag bumaha ang pork sa merkado, sino na ang bibili ng BOTCHA?

-----$$$--
KAPAG naman kinapos ng suplay ng PORK sanhi ng pork holiday, mapupuwersa ang mga konsiyumer na bumili ng BOTCHA sa presyo ng SARIWANG karne.
Malinaw kung gayon na ang pork holiday ay PABOR sa mga nagtitinda ng BOTCHA.

----$$$--
MARAMING problema ang mga hog raisers.
Una, mas masarap at mas ligtas na bilhin at kainin ang BAKA at KALABAW.
Kasi’y wala tayong naririnig na NAPEPESTENG baka at kalabaw.
Isa ring karibal ng karne ng baboy ay ang ISDA at GULAY.
Sangkatutak ang ISDA at gulay sa merkado—at HAMAK na mas ligtas ito at mas MABUTI sa kalusugan
Ang tunay na kalaban ng PORK HOLIDAY ay ang mga HEALTH CONSCIOUS na mga konsyumer.

----$$$--
ISA  ring balakid sa pork holiday ngayong Mayo—ay ang ENROLLMENT sa mga estudyante.
Marami ang nag-aalaga ng baboy sa BACKYARD o backyard piggery upang IBENTA ito sa buwan ito upang makapag-ENROLL ang mga anak.
Ibig bang sabihin ng mga bigtime dealers na hindi magbebenta ng baboy ang mga NAGBABABOY sa mga bakuran?
Imposible yan—kasi’y may DEADLINE  ang enrollment.
Sa maniwala kayo o sa hindi, NOBENTA porsiyento ng suplay ng karne ng baboy ay nagmumula sa BACKYARD PIGGERY.
Yan ang mapait na katotohanan na dapat nating maunawaan.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, May 11, 2012 issue, UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home