BANK RUN NAMUMURO
ISANG negatibong epekto ng impeachment trial na hindi binabanggit ng administrasyong
Aquino ay ang posibilidad ng BANK RUN o
ang pag-uunahan na i-withdraw ang mga pera sa bangko.
Ang mga magwi-withdraw ay ang
mga MAYAYAMAN na kritiko o identified ng Aquino government .
Layunin nito na mailigtas sa
HINDI makatarungang pagbusisi o pagkalap ng mga confidential financial data
gamit ang Anti- Money Laundering Council (AMLC) kakutsaba mismo ang Ombudsman o
iba pang government iinvestigating agencies.
Magkakaroon ng LIHIM na takot
ang mga MULTI-MILYONARYO na matulad sila sa sinapit ni dating Chief Justice Renato Corona na
ibinisto ang BANK ACCOUNT kahit WALANG KASO sa korte at walang court order.
Maaaring magbigay ng MALING
HUDYAT din ito sa PRIBADONG NEGOSYANTE na
matatakot nang IPAGKATIWALA ang
salapi sa mga bangko na HOPELESS laban sa pagbusisi ng GOBYERNO..
Lalabas ngayon na ang
GOBYERNO---ay may ABSOLUTE POWER na buksan ang bank account hindi lamang ng
public officer bagkus maging ng PRIBADONG SEKTOR.
Ang bank run ay hindi agad mararamdaman pero ito ay
maaring magpa-GROGE sa financial community ng bansa.
Sana’y maagapan ito ng mga
kinauukulan.
(EDITORIAL NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, May 31, 2012 issue. UNEDITED. CC:
bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home