Saturday, May 26, 2012

SUPREME COURT: DAPAT LANG MAWARAT


HANGGANG ngayon kinukulit tayo ng mga texters kung ano talaga ang MOTIBO ng pagsasampa ng kaso laban kay Chief Justice Renato Corona.
Pero, ito ay binanggit mismo ni Corona sa kanyang madamdaming testimonya kung saan ITINURO niya mismo si PNOY bilang utak at mastermind ng kutsabahan sa pagpapatalsik sa kanya sa Korte Suprema.
Tandisang ibinunyag ni Corona ang motibo ay ang kaso ng HACIENDA LUISITA na “pag-aari” ng Pamilya Cojuangco- Aquino.
Ibinunyag ni Corona na nagtanim ng galit si PNOY sapagkat hindi pinaboran ng Korte Suprema manatili ito sa Pamilya Cojuangco bagkus ay iniutos na IPAMAHAGI sa mga lehitimong magsasaka.

------$$$--
PERO isa tayo sa naniniwala na  hindi lang iyan ang motibo bagkus ay may MATINDI pang motibo ang Malacanang kung bakit nais WASAKIN nito ang buong Korte Suprema.
Sa totoo lang, alam ba ninyo na may NAKABINBING kaso sa Korte Suprema kung saan IPINABABALEWALA ang resulta ng buong 2010 presidential at senatorial elections kabilang ang resulta ng mga local elections.
Opo,  ginamit na argumento dito ay  LABAG sa batas umano ang ginamit na proseso at “kaduda-duda” ang PCOS machine dahil walang DIGITAL SIGNATURE ang mga resulta at hindi rin gumamit ng tinatawag na “ultra violet ballot scanner” tulad sa itinatadhana ng Election computerization act.

-----$$$---
SA petisyong inihain ni dating kongresista Homobono Adaza sa Korte Suprema, hiniling nito na ideklarang NULL AND VOID ang resulta ng 2010 elections—kung saan sakaling paboran ng mayorya ng mga MAHISTRADO—ay masisibak sa puwesto si Pangulong Aquino at si Bise Presidente Jojo Binay.
Hiniling na rin ng grupong Tanggulang Demokrasya (Tandem) sa  Korte Suprema na aksiyunan agad ang petisyon ni  Adaza  dahil sa pangambang kinokontrol ng mga PEKENG “ELECTED” LEADERS ang gobyerno.

-----$$$--
NAIS din malaman ng TANDEM kung may katotohanan ang natanggap nilang impormasyon na “nagkaloob ng P15 milyon tongpats  ang isang “alyas Ronnie” at “alyas Ricky” upang imanipula ng TECHNICAL EXPERT   ang resulta gamit ang SOPISTIKADONG computer programs.
Ibinunyag ng isang computer group  ang    nag-EKPERIMENTO at sumubok na bigyan ng MALAKING BOTO si dating presidential candidate Manny Villar gamit ang PCOS sa isang siyudad sa Quezon, pero hindi ito binasa ng COMPUTER bagkus ay  paulit-ulit na  nasa THIRD PLACE ito palagi sa mga resulta kahit maraming boto ang inilagay sa kanyang pangalan.
Sana’y maaksiyunan agad ito ng Korte Suprema upang mawala ang agam-agam ng lahat.
May itinatanong ang mga texter: Sakaling matanggal si Pangulong Aquino at Bise Presidente Jojo Binay, sino ba ang uupo sa Malacanang?
Hindi ba’t si  Senate President Juan Ponce Enrile na No.3 leader ng ating bansa?
Huhhh, maselan ito.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar Newspaper, May 27, 2012 issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home