Monday, May 28, 2012

IMPEACHMENT: ADVANCE VOTING, WANNA BET?


TAPOS na ang impeachment trial.
Malinaw na malinaw ang ARGUMETO ng magkabilang panig.
Walang maaaring sabihin na MALAKI ang agwat ng argumento ng alinmang grupo.
Ibig sabihin, halos PANTAY lang ang ARGUMENTO.
Pare-parehong mahuhusay!
Klap! Klap! Klap!

----$$$--
IISA ang malinaw na PANALO dito.
Ito ay ang mismong SENADO o ang mismong mga senador.
Partikular na kapuri-puri ay si Presiding judge na si Senate President Juan Ponce Enrile.
Isa pang BAGSAK dyan: KLAPPPPP!!!

----$$$--
MARAMI ang nangungulit sa atin gamit ang TEXT.
Ano raw ba ang ating ESPESIPIKONG sapantaha sa magiging RESULTA ng botohan ng mga senador?
Marami daw silang napapakinggan at nababasang KOMENTARYO pero walang naga-analisa ng MALINAW sa BOTO ng bawat senador batay sa personal nating pagtaya at opinyon.
At iyan po ang BUONG PAGPAPAKUMBABA na ibibigay natin ngayon sa ating mga mambabasa.

----$$$-
IWANAN na natin ang MERITO at ARGUMENTO.
Kasi’y malinaw naman ang IBINIGAY ng magkabilang kampo.
Malaya na ang taumbayan na humusga at bahala na ang mga senador na magpasya MAMAYANG HAPON, Mayo 29.

-----$$$--
SURIIN natin ngayon ang aktuwal na HAPAY o BIASED ng mga senador sa pasubaling gagamitin nila ang personal nilang diskarte.
Ito ay batay lamang sa personal nating pagtingin at siyempre pagsusuri sa estilo ng mga senador.
At ang mga mambabasa natin ay MALAYANG KONTRAHIN ito batay mismo sa kanilang personal na obserbasyon.

-----$$$--
MAHALAGANG maunawaan ng marami na HALOS  patas ang argumento-sapagkat pareho silang nagke-CLAIM ng panalo. Walang nagko-CONCEDE at walang sumusuko.
Kung gayon, mauuwi ang PAGBOTO sa personal nilang batayan , kompromiso, diskarte at HAPAY  o biases.
Simulan na natin:
Unahin na natin si Enrile.
Walang kokontra kapag sinabi nating PATAS na patas si Enrile.
Hindi muna natin siya isasali sa BILANGAN.
May kutob tayo na siya ay magi-INHIBIT sakaling malaman niya na “mayroon nang sapat na bilang”—alinman sa absuelto o guilty.
Isang paggalang natin ito kay Enrile at mataas na pagtingin sa kanya.

-----$$$--
KUNG inalis natin si Enrile sa  bilang, 22 senador na lang ang susuriin natin.
Kailangan ang 16 na botong GUILTY bago matanggal si Corona.
Kailangan naman ang 8 BOTO bago maabsuelto si CJ.

----$$$--
SA pinakahuling text sa atin ng isang kaibigan, inaasahan niya ang CONVICTION kay Corona.
Tinanong ko kung ilan ang SENADOR na boboto ng conviction, kumpiyansa siyang sumagot: 20 senador.
Ngayon, unahin nating HANAPIN ang 20 senador na sinasabing magdedeklara ng GUILTY.
Sa totoo lang,, 16 lang ay sapat na.
Subukan natin kung madali nating matutukoy ang 20 senador o kahit ang kinakailangang 16 senador.

-----$$$--
WALANG kokontra kapag sinabi natin ang No.1 na hahatol ng GUILTY ay si Sen. Frank Drilon.
Ikalawa ay si Sen. Kiko Pangilinan; ikatlo si Sen. Serge Osmena; ikaapat ay Sen. Antonio Trillanes; at kung pagbabatayan ang ilang komentarista, gawin nating ikalima si Sen. Koko Pimentel.
Tinukoy natin ang limang senador na iyan batay sa kanilang mga OPINYON sa nagdaang mga araw.
Subukan natin kung makakakuha tayo ng IKALAWA LIMA upang maging 10.
Walang kokontra kapag tinukoy nating ikaanim si Sen. Edgardo Angara; ikapito si TG  Guingona; ikawalo si Sen. Ping Lacson; ikasiyam si  Sen. Lito Lapid; at ika-10 si Ralph Recto.
Mabilis tayong nakatukoy ng 10 senador na posibleng bumuto ng GUILTY.
Itigil muna natin diyan: Kailangan na lang natin sa GUILTY VERDICT ay ANIM na lamang.

-----$$$--
DUMAKO naman tayo sa mga POSIBLENG  boboto ng ABSUELTO.
Unahin na natin bilang No. 1 si Joker Arroyo; ikalawa si Sen. Bong Revilla; ikatlo si Sen. Miriam Defensor Santiago; ikaapat si Sen. Francis Escudero; at ikalimang si Sen. Bongbong Marcos.
Bagaman maaari ninyong kontrahin, pero hindi mapasubalian na POSIBLENG boboto sila ng ABSUELTO batay sa kanilang mga nagdaang opinyon at pagtatanong sa pagdinig.
Sakaling magkatotoo ito, kailangan na lang natin ay TATLONG SENADOR upang maging WALO—na siyang maga-absuelto kay Corona.

-----$$$---
KUNG ibabawas natin ang tinukoy nating 10 senador na may posibilidad na boboto ng GUILTY, at ang LIMANG (5) senador na boboto ng ABSUELTO, mayroon na tayong 15 SENADOR.
Susuriin na lang natin ay ang BOTO ng nalalabing WALONG senador.
Mula sa WALO—ay kailangan ng ANIM ng GUILTY verdict, pero mula sa WALOng ito ay kailangan na lang nang TATLO bago maabsuelto.
Ituloy natin ang paga-analisa.
Kasama sa walong naiiwan ay si Enrile, na huling boto.
Bale, pito na lang—ito ay sina ang MAGKAPATID na (1) Allan at  (2) Pia Cayetano; (3)Gringo Honasan;  (4) Manny Villar; (5)  Loren Legarda; (6) Tito Sotto; at (7). Jinggoy Estrada.
Kukuha tayo muna ng tigalawa na posibleng bumoto pabor sa GUILTY verdict—at ito ay ang magkapatid na Allan at Pia Cayetano.
Kung kukuha naman tayo ng dalawa rin pabor sa ABSUELTO—ito ay sina (6) Tito Sotto at (7) Manny Villar.
Sa ngayon, mayroon na tayong 12 BOTO sa GUILTY; at may PITO (7) para sa ABUSUELTO.
Kailangan pa ng apat na senador mula sa nalalabing APAT na senador—Enrile, Estrada, Legarda at Honasan.
Pero, ISANG boto na lang ang kailangan natin muna sa naturang HULING apa upang maabsuelto si CJ.
Sino sa apat na ito ang POSIBLENG ika-WALONG  boto para maabuelto si Corona.
Sa tingin ng kolum na ito ay si HONASAN!!!
Ibig sabihin, yung tatlong sina Enrile, Estrada at Legarda ay direkta na nating IBIBIGAY sa GUILTY VERDICT.
Sa madaling salita, sa ating pagtaya—narito ang posibleng bumuto ng ABSUELTO kay Corona  mamayang hapon---(1) Arroyo; (2)  Revilla; (3) Defensor-Santiago; (4) Escudero; (5) Marcos; (6) Sotto; (7) Villar; (8). Honasan.
O, ano sa tingin ninyo, pag nag-INHIBIT si Enrile mababawasan ang 15 boto sa guilty.
Isa pang analysis, sino ang may posibilidad na boboto ng GUILTY mula sa binanggit nating WALO sa pro-corona?
Sige, hugutin—pinakamalapit dito ay sina Honasan at Villar—kapag nahigop yan, madedeklarang GUILTY si Corona.
Sino naman ang may posibilidad na mag-absuelto kay Corona mula sa tinukoy nating  na unang 15?
Hugutin natin ang magkapatid na Cayetano na parehong ABOGADO—kung saan imbes na WALO, magiging 10 ang boboto ng ABSUELTO.
Sa aktuwal—ang NUMERO sa HUWETENG ay ito—8-15; 9-14 kung maabsuelto si Corona.
Kung magiging GUILTY ito ay lalaro sa 16-7; 17-6 pero malabo ang 20-3 tulad sa sinasabi ng TEXTER natin.
Suriin ninyong mabuti ang BINANGGIT natin sa itaas—at kayo ang HUMATOL.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 29, 2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).
orial

HEAD:


NAKATUTOK ngayong maghapon ang sambayanang Pinoy sa pinakahuling araw ng impeachmeng trial.
Isang malaking tagumpay ito ng demokratikong proseso sa ating bansa.
Tiyak na hahangaan tayo ng buong daigdig.
Magiging aktuwal na DUYAN NG DEMOKRASYA ang Pilipinas sa buong daigdig.
Tiyak na pagsusumundan tayo ng ibang bansa at magiging daan ito upang makilala ang ating bansa—anuman ang maging desisyon: Guilty o absuelto man si Chief Justice Renato Corona.
Dapat nating kilalanin ang lahat ng sangkot sa prosesong ito—hindi lang si Enrile bagkus ang lahat ng 23 na senador at maging ang mga miyembro ng prosecution at defense panel.
Pero, anuman ang kahinatnan, dapat din kilalanin natin ang mismong BIDA ng eksena—ang nasasakdal na Punong Mahistrado.
Tanggapin niya o hindi ang hatol, isa rin siyang kahanga-hanga sapagkat nagpasailalim siya sa demokratikong proseso na nagtitindig sa KONSTITUSYON na pinakamahalagang SANGKAP sa katatagan ng isang bansa.
Dapat din nating purihin ang bawat isang Pilipino na sumubaybay at gumalang sa prosesong ito na ngayon lamang nating maoobserbahan na isang epektibong kasangkapan sa ating kapayapaan at katatagan bilang isang ganap na Republika.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang nating masasabi na HINDI NANGHIMASOK  superpower sa isang POLITICAL EXERCISE sa loob ng ating bansa—ang impeachment proceedings.
Sa huling araw ng paglilitis, walang anumang ulat na NANGHIHIMASOK ang ibang bansa partikular ang United States sa mahalagang prosesong ito sa ating demokrasya.
Ang tagumpay ng impeachment trial—GUILTY o absuelto man si Corona, ito ay magsisilbing KORONA ng ating REPUBLIKA—bilang PINAKAMALUSOG na demokrasya sa ibabaw ng lupa.
Gayunman, isang malaking tagumpay ito ng mga KUMAKALAM ang sikmura.
----30---

0 Comments:

Post a Comment

<< Home