Sunday, May 27, 2012

RESULTA SA IMPEACHMENT ALAM NA NG LAHAT


MARAMI pa rin ang naguguluhan kung maaabsuelto ba o maidedeklarang guilty sa Impeachment Court si Chief Justice Renato Corona.
Nakasentro kasi ang debate at argumento kung labag o hindi labag sa batas ang hindi pagdedeklara ni Corona sa kanyang SALN ng $2.4 milyon at P80 milyon na inamin niya sa pagdinig.
Maselan yan kasi’y may teknikalidad diyan na tangin ang mga senator-judges lamang ang maaring magdesisyon ng tungkol diyan.
Ang malinaw, walang iisang opinyon dyan ang mga senador at maging ang mga legal experts.
Sa iba ay walang nilabag si Corona pero sa iba namang ay sinasabing lumabag siya sa batas—magkakaiba ang opinyon ng mga senador.
Pero ang desisyon ng SENADOR—ang pagbabatayan ng hatol na GUILTY o absuelto si Corona.
May maselang isyu, kapag ba lumabag sa batas  si Corona  sa hindi pagdedeklara ng kanyang dolyar at piso—ay sapat ba ito upang ma-IMPEACHED siya?
Sa madaling salita, impeachable offense ba ang ginawang paglabag ni Corona na sinasabing isang klase ng pagsisinungaling o PERJURY?
Sapat ba ang maling SALN sa pagi-impeached sa chief justice kahit  hindi siya GUILTY sa isang HIGH CRIME o isang KRIMEN?
Pero, hindi dyan nagkakatalo.
Magkakatalo yan kung ILANG SENADOR ang magdedeklara nang guilty si Corona at ilan din ang maga-absuelto sa kanya?
Kailangan ang WALONG senador upang maabsuelto si Corona pero kailangan ang 16 na senador bago siya maideklarang GUILTY.
Magbilang kayo kung ilan ang NAKAHAPAY pabor kay Corona at ilan namang ang BISTADONG nais siyang matanggal?
Sige, magbilang kayo---at malinaw na TAMA ang inyong bilang, wala nang iba pa.
Hindi na ninyo kailangan ang hatol mamayang hapon, Lunes, Mayo 28 o bukas ng hapon, Martes, Mayo 29—ngayon pa lamang ay malalaman na ninyo kung guilty o hindi si Corona.
(EDITORIAL NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 28, 2012 issue. UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home