Friday, May 25, 2012

CORONA UMISKOR SA LAST 2-MINUTE



NAG-“I AM SORRY” na rin si CJ Renato Corona.
Kangino kaya niya yun KINOPYA?
Hulaan ninyo.

----$$$--
HINDI $12 million, kundi $2.4 million lang ang dollar account ni CJ.
Huh, nakakainggit naman siya nuh?

-----$$$--
NASORPRESA ang marami nang ibigay ni Corona nang walang kondisyon ang            WAIVER sa kanyang dollar accounts.
Maging ang PROSEKUSYON ay NAMUTLA.

-----$$$--
IKINAGULAT din ng lahat nang biglang MAGREKONSILYASYON ang Pamilya Basa sa Pamilya Corona sa mismong Senado—at televised.
Paktay ngayon yung mga NAKISAWSAW, kalaban na ngayon ninyo ang DALAWANG PAMILYA.
He, he, he.

-----$$$---
MUKHANG nakaiskor si Corona kahapon.
Narekober niya ang pagka-BOKYA nang mag-walkout.

-----$$$---
MADALI nang malalaman ngayon  kung ANO ang iboboto ng mga senador BATAY sa estilo at nilalaman ng mga TANONG.
Ano sa tingin ninyo?
Kailangan ang 16 SENADOR bago maideklarang GUILTY si Corona.
Sa mga tanong, maabsuelto ba siya o mako-CONVICT?
Ipinaaalaala lang natin na hindi po bibilangin ni Sen.  Juan Ponce Enrile ang TEXTERS’ VOTE.

------$$$---
KINUMPIRMA ni Jessica Sanchez na BIBISITA siya sa Pilipinas.
Hindi po totoo na DADALAWIN niya si CJ Corona sa Medical City.

----$$$---
NAKIPAGSABAYAN ng PRESS CONFERENCE si Ombudsman Conchita Carpio Morales sa IMPEACHMENT TRIAL.
Nagbalik ang SENARYO sa Edsa 1 at Edsa 2—AGAWAN TV COVERAGE.
Hindi talaga mga patas at may HALOS pambabastos ang mga ERE.
He, he, he.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 26,2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home