Monday, May 28, 2012

TAGUMPAY NG REPUBLIKA... NG MGA KUMAKALAM ANG SIKMURA



NAKATUTOK ngayong maghapon ang sambayanang Pinoy sa pinakahuling araw ng impeachmeng trial.
Isang malaking tagumpay ito ng demokratikong proseso sa ating bansa.
Tiyak na hahangaan tayo ng buong daigdig.
Magiging aktuwal na DUYAN NG DEMOKRASYA ang Pilipinas sa buong daigdig.
Tiyak na pagsusumundan tayo ng ibang bansa at magiging daan ito upang makilala ang ating bansa—anuman ang maging desisyon: Guilty o absuelto man si Chief Justice Renato Corona.
Dapat nating kilalanin ang lahat ng sangkot sa prosesong ito—hindi lang si Enrile bagkus ang lahat ng 23 na senador at maging ang mga miyembro ng prosecution at defense panel.
Pero, anuman ang kahinatnan, dapat din kilalanin natin ang mismong BIDA ng eksena—ang nasasakdal na Punong Mahistrado.
Tanggapin niya o hindi ang hatol, isa rin siyang kahanga-hanga sapagkat nagpasailalim siya sa demokratikong proseso na nagtitindig sa KONSTITUSYON na pinakamahalagang SANGKAP sa katatagan ng isang bansa.
Dapat din nating purihin ang bawat isang Pilipino na sumubaybay at gumalang sa prosesong ito na ngayon lamang nating maoobserbahan na isang epektibong kasangkapan sa ating kapayapaan at katatagan bilang isang ganap na Republika.
Sa kauna-unahang pagkakataon, ngayon lang nating masasabi na HINDI NANGHIMASOK  superpower sa isang POLITICAL EXERCISE sa loob ng ating bansa—ang impeachment proceedings.
Sa huling araw ng paglilitis, walang anumang ulat na NANGHIHIMASOK ang ibang bansa partikular ang United States sa mahalagang prosesong ito sa ating demokrasya.
Ang tagumpay ng impeachment trial—GUILTY o absuelto man si Corona, ito ay magsisilbing KORONA ng ating REPUBLIKA—bilang PINAKAMALUSOG na demokrasya sa ibabaw ng lupa.
Gayunman, isang malaking tagumpay ito ng mga KUMAKALAM ang sikmura.
(EDITORIAL  NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 29, 2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home