Saturday, May 26, 2012

PATINTERO SA SHOAL: JAPAN KASALI NA


TATLONG warships ng Japan ang dumaong sa Subic Bay.
Ito ay matapos manatili dito ng ilang araw ang isang sopistikadong war submarine ng United States.
Kasabay  ito ng ulat na patuloy na dumarami ang barko- de-giyera ng China sa Scarborough Shoal kung saan iniulat na maaaring umabot ito sa mahigit 100 kabilang ang mga bangkang pangisda ng mga Tsino.
Sa aktuwal, makikita natin na may nagaganap nang girian ang Pilipinas at China bagaman ang maniobrahan ay hindi sa bisinidad ng Panatag Shoal
Tumitindi ito dahil nakatakdang bumisita sa United States si Pangulong Aquino at maging si Bise Presidente Jojo Binay.
Kahit itanggi,  hindi mapapasubalian na kakampi ng Pilipinas ang US at Japan dahil parehong nangako ang dalawang bansa na aasiste upang mapalakas ang Philippine Navy.
Inamin ng Japan na interesado sila sa nagaganap sa West Philippine sea sapagkat maraming barko nila ang nagdaraan sa naturang lugar.
Nais naman ng China na makontrol din ang naturang karagatan hindi lamang dahil sa likas na kayamanan dagat at mina ng langis kundi nais nilang MAKONTROL ang isang mahalagagang DALUYAN SA KARAGATAN o pangdagat na lansangan ng mga barko.
Sa madaling salita, mahalagang aspekto ng gulo o sigalot ay ang punto-de-bistang pang ekonomiya ng China, US, Japan at Pilipinas.
Dahil dito,  hindi pa maaayos ang sigalot at mahihirapang makasumpong ng solusyon hinggil dito.
(EDITORIAL NI KA AMBO, Bulgar Newspaper, May 27, 2012 issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home