Sunday, May 27, 2012

LUCKY 8: AABSUELTO KAY CORONA


KUNG saan-saang bansa INIAALOK ng Pilipinas ang SAGING ng Pinoy.
Inisnab kasi ito ng mga tsekwa.
Bakit puro lang ba SAGING ang produkto ng Pinoy?
Paano naman ang MANI, BIBINGKA, MONAY at iba pa?
Diskriminasyon yan ah.
Eka nga, HINDE lang sa SAGING nabubuhay ang tao.


-----$$$---
SA dalawang bagay lang NAUWI ang argumento sa impeachment trial.
Ito ay batay sa pag-amin mismo ni CJRenato Corona na mayroon siyang $2.4 milyon at P 80 milyong bank account pero hindi niya idineklara sa Statements of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Inamin ni Corona na SINADYA niyang hindi ito idineklara sa paniniwalang ;
 UNA, pinoproteksiyunan siya ng Foregin Currency Deposit Act (FDCA).
IKALAWA, ang P80 milyong ay commiggled accounts na pag-aari ng ibang tao pero nasa pangalan lamang niya bilang “caretaker” o “tagapangalaga”.

-----$$$--
ANG hatol na GUILTY o ABSUELTO si Corona ay NAKABATAY lamang sa dalawang argumentong ito—kung pag-uusapan ang MERITO ng kaso.
Pero, ang mga abogado, mambabatas at mga legal luminaries ay MAGKAKAIBA ang opinyong dito.
Ibig sabihin, anumang INTERPRETASYON sa batas—ay nakasalalay sa TALINO o WISDOM ng 23 senador—na dapat nating igalang.
Walang ISANG MALINAW na interpretasyon o argumento hinggil dito.

-----$$$---
GAYUNMAN,isang mahalagang punto-de-bista na dapat pagtuunan ng pansin ng lahat ay ito:
Ang pagkakamali o pagsisinungaling ba sa pag-entrada sa SALN—ay isang impeachable offense.
Ibig sabihin, sakaling NILABAG ni Corona ang isang batas  dahil sa kanyang MALING deklarasyon sa SALN—sapat ba ito upang MATANGGAL siya sa puwesto?

-----$$$--
BATAYA sa impeachment provision, masisibak  lamang ang MATATAAS na opisyal kung GUILTY siya sa IMPEACHABLE OFFENSE o may MABIGAT paglabag sa batas.
Ang HINDI pagsusumite ng SALN—ay isang IMPEACHABLE offense na siyang tinukoy sa Articles of Impeachment, pero malinaw na nagsumite si CORONA ng SALN—yun nga lang ay MALI o may halong pagkukulang o pagsisinungaling.
Kung pagsisinungaling ang KASALANAN  ni Corona, GUILTY siya sa  PERJURY.
Pero ang PERJURY ba ay isang IMPEACHABLE OFFENSE?
Ang sagot ay HINDI.

-----$$$--
GAYUNMAN, masalimuot ang MERITO ng kaso dahil nakasandal ito sa PERSONAL NA INTERPRETASYON ng 23 senador .
Anuman ang  kanilang desisyon ay FINAL at hindi nating makukuwestiyun.

-----$$$--
MARAMI ang nag-text , ano raw ba sa  palagay natin: Maabsuelto ba o maidedeklarang GUILTY si Corona.
Iisa lang ang palagi kong sagot:
Obserbahan ninyo ang TANONG, AKSIYON at POSTURA ng bawat senador at makukuha ninyo ang TAMANG SAGOT.
Una., WALONG SENADOR lang at hindi siyam (9) ang kailangan ni Corona upang MAABSUELTO siya.
Ikalawa, kailangan ng 16 na senador na kokontra kay Corona  bago siya MA-CONVICT.
Sa totoo lang, NAGBILANG na ako, at nakakuha ako ng KUMPIRMADONG WALONG  (8) senador na maga-absuelto kay Corona.
Araw-araw ay nagbibilang ako, batay sa opinyon  ng bawat senador na iniinterbiyu sa media.
Habang tumatagal, nadaragdagan ang WALO—at sa tantiya ko ang magiging ISKOR—ay 10 kontra 13 pabor kay Corona.
Pero, may pasubali ako na maaring umabot pa sa 11 o 12 ang papabor kay Corona!!!
Kayo, isa-isahin ninyo ang mga SENADOR—tiyak mabilis na makakatukoy kayo ng WALONG SENADOR na pabor kay Corona.
Sige, simulan ninyo!!!
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 28, 2012 issue. UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home