Friday, May 25, 2012

HAMPAS SA LANGAW, LATAY SA KALABAW



NAGWAKAS na ang aktuwal na  telenobelang  Pinoy.
Tinapos na ni Presiding judge Juan Ponce Enrile ang  impeachment trial sa makabagbag damdaming huling araw ng deliberasyon.
Nag-sorry si Chief Justice Renato Corona bago nagkusa ang depensa na hindi na lang mag-direct examination na sinagot naman ng prosekusyon sa pag-alis naman ng cross examination na siyang nagpabilis sa pagtatapos ng pagdinig.
Gayunman, sa gitna ng deliberasyon, sorpresang isinumite ni Corona ang unconditional waiver sa pagbubukas ng kanyang dollar account kung saan mula sa pagtatanong ni Sen. Alan Peter Cayetano ay inamin niyang mayroon itong $2.4 milyon, malayo sa akusasyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na $12 milyon batay sa AMLC   financial report.
Ibinunyag ni Corona na may personal na galit sa kanya si Morales nang uriratin ni Sen. Jinggoy Estrada na agad na sinagot ng ombudsman sa isang lightning press conference kasabay ng impeachment hearing kahapon.
Umagaw din ng eksena ang makabagbag damdaming rekonsilyasyon ng Pamilya Basa at Pamilya Corona sa loob mismo ng impeachment hall kung saan malinaw na nagkaayos na dating magkakaaway na magkamag-anak.
Kapwa masaya ang depensa at prosekusyon at maging ang taumbayan sa pagtatapos ng impeachment trial.
Itinakda ang huling desisyon sa Lunes o Martes kung saan—hahatulan ang Punong Mahistrado nang GUILTO o ABSUELTO.
Pero anuman ang desisyon,  maaaring lumatay  din ito kay Pangulong Aquino o kay dating Pangulong Arroyo.
Kumbaga, ang hampas sa LANGAW ay LATAY sa KALABAW  o SUGAT sa KABAYO!!!
(EDITORIAL  NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 26,2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home