Thursday, May 31, 2012

CONSTITUTIONAL CRISIS IBINABALA NI ENRILE


INAMIN mismo ni Presiding judge at Senate President  Juan Ponce Enrile na mabibingit ang bansa sa constitutional crisis sakaling ituloy ng kampo ni Chief Justice Renato Corona ang pagrereklamo sa Korte Suprema kaugnay sa proseso sa nagdaang impeachment proceedings.
Hinatulan noong Martes ng guilty si Corona sa botong 20-3 kung saan ang pumabor lamang sa punong mahistrado ay  sina Sen. Joker Arroyo,  Miriam Defensor Santiago at Bongbong Marcos.
Kinuwestiyun ng tatlong senador ang teknikalidad ng batas na ginamit sa proseso kung saan binansagan ni Defensor Santiago  ang sistema ng ilan niyang kasamahan sa impeachment court na isang kagaguhan lamang.
Hindi naman naniniwala sina  Arroyo at Marcos na hindi impeachable offense ang lumitaw na pagkakasala ng punong mahistrado.
Sa pinakahuling ulat, inamin ni Enrile na walang sapat na ebidensiya ang prosekusyon at humatol sila hindi batay sa “ebidensiya” kundi batay lamang sa “pagkakamali” ng depensa.
Ibinunyag naman ni Senador Loren Legarda na nagpulong ang bloke ni Enrile sa kanyang tahanan kung saan nagkasundo sila na mag-BLOCK VOTING upang mahatulan ng guilty ang punong mahistrado.
Itinanggi naman ni Pangulong Aquino na inimpluwensiyahan niya ang bloke ni Enrile na sinasabing “SWAY VOTES” na siyang nagsarado sa mapait na kapalaran ng chief justice.
Pinagdududahan ngayon ang hatol hindi lang sa block  voting na ginawa ng  bloke ni Enrile, hindi lang sa pag-amin nito na MAHINA ang ebidensiya ng prosekusyon kung di dahil na rin sa kumalat na text messages kung saan iinaakusahang nangako ang Malacanang ng dambuhalang P 1 bilyong pork barrel upang  impluwensiyahan ang boto ng mga senador.
Sakaling mabigo ang senado particular ang bloke ni Enrile na makapagbigay ng paliwanag particular ang pork barrel kung saan aktuwal na binanggit ni Sen. Miriam na TUMOTONGPATS ang mga mambabatas ng TEN (10) PERCENT sa mga proyekto.
Malinaw ditto na ang talumpati ng nagagalit na si  Sen.. Miriam ay tumutugma sa akusasyon na --ang HATOL ng mga senador ay nakadikit sa pondong magmumula sa Malacanang.
Bago sitahin ni Enrile kung sino ang nagkalat ng text, dapat muna niyang hingan ng paliwanag ni Defensor Santiago sa binanggit nitong TEN PERCENT SA PORT BARREL na kinukurakot  ng mga MAMBABATAS dahil tuwirang may kaugnayan ito sa “desisyon” sa impeachment proceedings kung saan si PNoy ang itinuturing na utak ng lahat.
(EDITORIAL  NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, June 01, 2012 issue. UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home