Wednesday, May 30, 2012

IMPEACHMENT RESULTS LEAKAGE; 1-B PESO?



HULING araw na ng Mayo ngayon—ang buwan ng mga BULAKLAK.
Tapos na rin ang impeachment kung saan NANAIG ang MABUBULAKLAK na talumpati.
Tinakpan ng MABULAKLAK sa argumento ang UBOD NG KATOTOHANAN.

-----$$$---
MARAMI ang nagko-CONGRATULATE sa ating kaibigan si MR. D.V.at nagtatanong kung sino talaga siya.
Kasi po ay tanging si MR. D.V. ang nakasapol ng MAGIC COMBINATION na 20- 3 sa BISPERAS ng paghahatol noong Martes sa impeachment trial.
Pinupuri siya n gating mga TEXTERS at inilalarawan napakahusay!!!
Kinukulit tayo ng mga texters kung sino ba si MR. D.V.
Iyan po ang aking ipagtatapat sa inyo.

------$$$---
SA totoo lang.  nagkausap kami sa cellphone at kinumusta ko at tinanong ko kung ano ang BASA niya  dahil may ACCESS siya sa executive branch.
Walang GATOL na sinabii niya ang 20-3, GUILTY si  Corona.
Tapos na kasi ang TEMA ng kolum ko nang mga oras na iyon-- na ibinatay nating sa OPINYON at LEANING at hindi mula sa AKTUWAL na “BOTO” ng mga senador.
Alam natin na dapat na boboto si Sen. Bong Revilla pabor kay Corona kasi’y siya ang LAKAS president- chairman na dapat na UMASTANG OPPOSITION.
Ganun din si MINORITY Leader Allan Peter Cayetano na dapat ay UMASTA ring oposisyon at siyempre kasama ang kapatid na si Pia.
Si Sen. Gringo Honasan ay NAGBALIK LOOB sa gobyerno sa PAGTANGGAP ni Arroyo.
Isa pa, hindi ba ninyo napansin na BUMOTO ng guilty si  Sen. Manny Villar pero ang TONO ng kanyang talumpati ay pabor sa posisyon ng pro-Corona, bakit?
Sumakay lang kaya siya sa agos?
Lumabas na ang  mga INAASAHANG BABALANSE sa politika o mga INAASAHANG OPOSISYON ay bumaliktad sa LINYA ng ADMINISTRASYON..
Pinaninindigan  natiin  ang piniling        WALO na inaasahang boboto  pakontra sa gusto ng ADMINISTRASYON---pero bakit hindi nagtotoo?
Hindi ang kolum ang dapat kuwestiyun kundi ang mga OPOSISYON  na hindi dapat na  SUMAKABILANG BAKOD.
Ano ang KAPALIT ng pagbaliktad na ito?
Maraming SAGOT          na natanggap tayo hinggil diyan.


-----$$$---
NGAYON, lumabas na si MR. D.V. ay nagbigay ng 20- 3 combination, hindi batay sa FORECAST          o pagtaya tulad sa ginawa ng kolum na ito, bagkus ay batay sa AKTUWAL na DATOS at imppormasyon na mula sa isang EXECUTIVE BRANCH—hindi natin ibubunyag muna ang mismong AHENSIYA na pinagmulan.
Ang tanong: Bakit may ADVANCE INFO sa resulta ng BOTOHAN?
Ngayon, may lumalabas na text kahapon. Umaga pa lamang noong  Martes ay may INFO na  20-3 ang magiging resulta—pero nauna si MR. D.V. dahil bisperas (Lunes ng hapon )  nang ibigay niya ang impormasyon  sa kolum na ito.
Kahapon ay may natanggap tayo na IKALAWANG TEXT MESSAGE mula sa mapagkakatiwalaan nating source.
Narito ang laman ng text at tiyak tayo  na marami ring NAKATANGGAP:
“Paki-research po. As per my source,each of d 20 senators wil be givn a project worth P1 billion each.so  P400m ang taga ng bawat sen na makokomisyon nila .”
Hindi natin alam kung gaano ito katotoo.
Ang totoo ay KUMALAT ang naturang  TEXT MESSAGES matapos lumabas ang resultang 20-3.
Kayo na po ang bahalang humusga.
Pero dapat na pasinungalingan ito ng mga  senador.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper,  May 31, 2012 issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745) 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home