Thursday, May 24, 2012

PUNONG TAGAHATOL, HAHATULAN


HINDI nauubusan ang magagandang eksena ang Pinoy.
Nangako si Chief Justice Renato  Corona na dadalo na sa impeachment trial para humarap sa cross examination, kahit may sakit kuno ngayon araw na ito.
Maganda ang drama, pampelikulang pampelikula.
Tipong bida na lalaban kahit naghihingalo.
Excited naman ang mga huhusga  kasi’y sa kauna-unahang pagkakataon ay aktuwal silang HAHATOL sa pinakamataas na MANGHAHATOL.
Buwenas naman ang mga estudyante ng batas kasi’y saksi sila sa aktuwal na jurisprudence na mahalagang aspekto ng kanilang karanasan at kaalaman.
Makabagbag damdamin ang eksena, kasi’y sangkot din ang “family feud” kung saan nanonood ang mga kaaway sa isang agawan sa lupa ng magkakamag-anak.
Masusubok din nang todo ang husay, talino at karanasan ng isang may edad nang opisyal ng gobyerno na si Presiding judge na si Senate president Juan Ponce Enrile na lumitaw na higit na magaling kaysa sa sinumang huwes at abogado sa bansa.
Sa pagtestigo ni Corona pabor sa kanyang sarili, tiyak na hindi lang isang pulutong ng mga abogado at accountants ang nasa kanyang likuran bagkus isang bungkos din ng mga ekspertong doktor at siruhano.
Wala nang gaganda pa sa kapana-panabik na eksena ngayon sa Senado.
Daig nito ang laban ni Jessica Sanchez kay Philip Phillips sa American Idol kung saan ang KANO ang nagwagi, siyempre!
Sa larangan ng hudikatura, magwagi rin kaya ang PUNONG MAHISTRADO sa larangan kanyang minaster at pinagkadalubhasaan?
Siyempre rin kaya o imposible?
(EDITORIAL  NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 25, 2012 issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home