Thursday, May 24, 2012

CORONA: DI TUMITIGIL SA PAG-IYAK


MAYROON nang 92 barko ang Tsino sa Panatag Shoal.
Si PNoy, PANATAG NA PANATAG pa rin.

-----$$$---
TINANGHAL na American Idol ang Kano na si Philip Phillips.
As expected, purnada   ang MEXICAN-PINAY na si Jessica Sanchez.

-----$$$--
PAG nagkaroon ng Mexican- Filipino Idol sa America, doon lang mananalo si Sanchez.
Ganyan kagrabe ang RACIAL DISCRIMINATION sa US.

----$$$--
KUMBAGA ang Kano ay para sa Kano.
Ang Pinoy ay para sa Pinoy.
Ang Mexican ay para sa Mexican.
Yun na yun.

-----$$$--
INAANGKIN ng China si Jessica, may DUGONG TSINO raw si  Sanchez.
Kahit nga si PNoy may dugong Tsino rin eh.
Pero, may kutob tayong BUMOTO ang mga Tsekwa pabor sa Kano, imbes pabor sa Pinay.
Ngayon lang nagkaisa ang US at China,  para wag manalo ang mga dugong Indio.


-----$$$---
MAINAM daw ang loser—siya pa ang sumisikat.
Kasi’y parehong LOSER sina Aiza Seguerra, Freddie Aguilar at maging si Chona Velasquez (Sa Barangayan Contest nina Bert Marcelo at Pilita Corrales noon).
Pero, kahit tanungin mo si Philipps at si Jessica mismo, mas GUSTO pa rin nila ang maging WINNER.

----$$$---
YUNG positive thinking ay PAMBOBOLA lang.
Binobola ng talunan ang sarili niya , para wag mag-SUICIDE.
Yung panalo ay talagang panalo yun.
Yun talo, TALO talaga yan.

----$$$--
TOTOO kaya ang kumalat na TEXT na INATASANa agad ni PNoy si DOJ Secretary Leila de Lima na rebyuhin ang proseso sa American Idol?
Inutusan agad si De Lima na maghain ng PROTESTA sa UN COURT OF JUSTICE?

-----$$$--
HINDI pa rin daw tumitigil sa pag-iyak si Chief Justice Renato Corona sa loob ng ICU sa Medical City.
Hindi siya mapa-TAHAN ni lead counsel Serafin Cuevas at mga defense lawyers.
Hindi kasi akalain ni CORONA na MATATALO si Jessica Sanchez.
Ngekkkk!!!1


-----$$$--
PAHIMAGAS: Sa professional boxing, batay sa sariwang impormasyon na nakaabot sa atin, HINDI na matutuloy ang pinakaaasam-asam ng mga taga-CEBU na paghaharap nina Mercito “No Mercy Gesta at Juan Manuel Marquez.
Tinapat na ng promoter na si Bob Arum ang kampo ni Gesta.
Hindi niya naayos ang  Marquez- Gesta championship bout, kasi’y DAMBUHALANG premyo ang hinihingi ni Marquez.
At gusto ni Marquez ay PAREHO sila na Gesta—na IINOM din ng  kanya-kanyang IHI.

----$$$--
MAY katwiran si Marquez na humingi ng malaking premyo, kasi’y NARARAMDAMAN niyang MABIBIGO siya kay Gesta.
Kahit magretiro siya o MABALDA ni Gesta—presto, MAY MILYONES ang Mexican legend.

----$$$-
MAAARING  ALAM ni Marquez na hindi ibibigay ni Arum ang hiningi niyang PREMYO bilang kondisyon ng paglaban kay Gesta.
Meaning, ayaw niya talagang LABANAN si Gesta dahil MALULUMPO siya.

----$$$--
YUNG taktika ni Marquez ay hindi nalalayo sa TAKTIKA ni CJ Renato Corona.
Kunwari lang na GUSTO niya ng laban, pero IMPOSIBLE ang kanyang KONDISYON.
Ang pagkakaiba lang, si Corona ay na-ICU matapos ang naturang HAMON.
Pero si Marquez, ay maa-ICU lang pag natuloy ang naturang sagupaan.

----$$$--
GINAMIT ni Marquez ang DAMBUHALANG PREMYO para makaiwas kay Gesta.
Hinamon naman ni Corona ang 188 kongresista at si Drilon, para IWASAN ang pagkabisto ng dollar accounts.
Kampeon pa rin si Marquez, bagsak sa ospital si Corona.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 25, 2012 issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home