Saturday, May 19, 2012

BANGKAROTE SA ABRIL


TALIWAS sa kaalaman ng marami, kinapos ng DOLYARES ang Bangko Sentral noong nakaraang buwan ng Abril.
Umabot sa  $79 milyon ang kapos ng BSP o may $79 million deficit na naitala sa nakaraang buwan ng Abril.
Pagkalugi ito kompara sa $1 bilyong surplus ng dolyares noong nakaraang Abril, 2011.
Ang tawag dito ay Balance of Payments (BoP) kung saan kapag kinakapos ng pambayad sa dolyares na inilalabas ng bansa ay NABABAWASAN ang dolyares na nakareserba sa BSP o ang tinatawag namang gross international reserves (GIR).
Mahalaga ang GIR kasi’y kapag kinapos ito, ay sintomas ng pagkabangkarote ng gobyerno tulad sa nakararanasan sa Europe.
Ibig sabihin, noong Abril, mas MALAKI ang  lumabas na dolyar mula sa teritoryo ng Pilipinas patungo sa ibang bansa.
Nangangahulugan din ito na MAS MALIIT    ang pumasok na dolyares kompara sa ginastos palabas.
Ikinatwiran ng BSP na nagbayad sila ng mga nagma-MATURE na international loan gamit ang dolyares at ginamit din nila ang nakareserbang dolyares upang ipambili ng PISO para maingatan na bumagsak ang HALAGA nito sa world market.
Ang mga datos na ito—ay sintomas ng humihina o nadidispalinghadong ekonomiya na hindi  ipinauunawa sa ordinaryong tao.
Maaaring isa rin ito kung bakit nagbitiw si National Economic Development Authority (NEDA) chief Cayetano Paderangga.
Ibig sabihin, imbes na resolbahin o mag-TIMON sa lumulubog na BARKO, tumalon agad siya sa dagat ng pagdarahop!!!
(EDITORIAL  NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 20, 2012, UNEDITED. Cc. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home