Friday, May 18, 2012

JESSICA SANCHEZ:YAYARIIN DIN NG BIR


NAKISAWSAW na rin ang Malacanang kay Jessica Sanchez.
Pero, di nila alam yung BIR nakatunganga na naman.
Idedemanda din nila si SANCHEZ pagtapak sa airport.
Kikikilan nila ng BUWIS!!!

-----$$$---
GUSTO ng grupong Magdalo na lumusob sa Scarborough Shoal upang masukat ang TAPANG ng Tsino.
Pero pinigil sila ni PNoy.

-----$$$--
KINUMPIRMA ni Magdalo leader Nicanor Faeldon na nagpapigil sila sa Malacanang.
Baka kasi MAGKASUBUAN eh.
Mapatay sila!!
He, he, he.

-----$$$--
KAHIT siyopot ang aksiyon at drama ni Faeldon at iba pang Magdalo, ang mahalaga ditto ay SUMASAGI sa kanilang ISIP—na ibuwis ang buhay para sa INANG BAYAN.
Iyan mismo ang paulit-ulit nating binabanggit sa kolum na ito.
Kailangang IBUWIS natin ang buhay upang IPAKIPAGLABAN ang soberaniya at teritoryo.
Hindi naipepreserba ang SOBERANIYA at teritoryo sa PAGSUSUMBONG sa superpower o kahit sa United Nations.
Naipepreserba lamang ang SOBERANIYA gamit ang SARIWANG DUGO ng mga MAKABAYAN at PATRIOTIKO.
Tama ang ginagawa ng Magdalo, sana’y hindi rin sila NAMBOBOLA.

-----$$$--
KASI’Y nang sakupin ng Magdalo ang Oakwood sa Makati—ay nagsi-SUKO sila.
Natakot silang MAGBUWIS ng buhay para sa kanilang IPINAKIKIPAGLABAN.
Tama naman sila at UMALIS na sila sa serbisyo—takot kasi silang MAMAMATAY eh.

----$$$--
MAY nag-text, bakit ako raw ay AYAW kong IBUWIS ang aking buhay.
Text back ko: Eh, baket, sundalo ba ako? Kaya nga hindi ako nagsundalo eh—ayaw kong magbuwis ng buhay eh.
Yun sundalo kasi, kasama sa trabaho nila ay MAGPAKAMATAY para sa bayan.

-----$$$--
NAGKASYA na lang ako sa pagiging DYORNALIST.
At least, kasama sa ORYENTASYON ko ay MANGANTIYAW lang noh, at MAMBUWISETT!
He, he, he.


-----$$$--
TEKA, iboboykot daw ang nakatakdang KONSIYERTO ni Lady Gaga.
Kasi daw ay may TEMANG SATANISMO ang kanyang mga AWITIN.
Iyan ang paniniwala ng mga DEMONYO.
Bwahahahahaaaaa!!!

-----$$$---
MAY nag-text ulit: Manood ka Ka Ambo ng konsiyerto ni Lady Gaga.
Sabi ko ay hindi.
Bakit daw?
Kasi baka biglang ilipat ang VENUE sa IMPIYERNO.

----$$$--
ANO daw ba ang maipapayo ko sa gobyerno ni PNoy kaugnay sa konsiyerto ni Lady Gaga?
Aba’y si Satanas ang tanungin ninyo noh!!!
Eh, eh, Mr. Corona, ano po ba ang masasabi ninyo??
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 19, 2012 issue. UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home