Monday, May 14, 2012

PAGPAPALIBAN NG BRGY. ELECTION: KAMANGMANGAN


NAKAPAGTATAKANG isinusulong pa rin ng ilang lider ang pagkakansela ng Barangay Election gayung bistado naman na nais nilang bolahin ang mga incumbent officials upang manatili ito sa posisyon nang WALANG MANDATO ng mga botante.
Nadesisyunan na ng Korte Suprema ang paulit-ulit na isyung ito sa pagpapaliban sa nakatakdang eleksiyon ng mga opisyal ng barangay pero nangungulit pa rin ang mga kolokoy at mangmang na politikong nais paniwalain ang publiko na ito ay mabuti para sa lahat.
Dapat maunawaan ng lahat na ang HALALAN ay siyang kaluluwa at pundasyon ng isang demokratikong institusyon at anumang pagtatangka na kanselahin o ipagpaliban ito ay isang paglabag sa Konstitusyon at pag-abuso sa kapangyarihan.
Nais ng mga promoter na bolahin ang mga barangay officials na makikinabang sa extension of term nang WALANG BASBAS nang botante at magkakaroon lamang ng BASBAS ng Malacanang na isang klase ng pambabastos sa demokratikong proseso.
Ikinakatwiran ng mga gunggong na ang pagpapaliban ay kailangang MAKATIPID ng pondo at makaiwas sa magkasabay na halalan gayung ito ay matagal nang pinagtibay ng batas na nagdaan din naman sa serye ng diskusyon at debate sa Kongreso bago naisabatas.
Isang malaking kalokohan ang pagpapaliban ng halalan.
Isang mungkahi ito ng mga HANGAL at isang KAMANGMANGAN.
(EDITORIAL  NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 15, 2012 issue. Cc: bistado.blogpot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

0 Comments:

Post a Comment

<< Home