Thursday, May 17, 2012

SUPER-OMBUDSMAN:FOR PNOY USE ONLY



MARAMI ang bumilib kay Ombudsman Conchita Carpio Morales nang mula sa simpleng unverified complaint ay inaksiyunan at trinabaho ang dollar accounts ni Chief Justice Renato Corona.
Kahanga-hanga, pang-Guinness Book of World Records ang performance ni Morales.
Kasi’y mayroon agad “ready-made” na  SOPISTIKADONG POWER POINT presentation at nahalungkat agad ang sandamakmak na bank transactions.
Kung ang trabaho ito ni Morales ay ipatutupad niya sa lahat ng mga GOVERNMENT PERSONNEL na may KADUDA-DUDANG transaksiyon, aba’y madadaig niya sa popularidad si Indira Gandhi.

-----$$$--
HINAHAMON ngayon  ng mga brokers sa Aduana si Morales na kung anong SIPAG, tiyaga, talino, tapang at bilis na imbestigasyon na pinalasap niya kay Corona ay yun din ang gawin niya sa isang “Alyas Joey Y” sa Bureau of Customs.
Puwede niyang simulan sa MASTER niya na DOLLAR ACCOUNTS.
Kapag nagawa niyang IMBESTIGAHAN at padalhan agad ng subpoena si Alyas Joey  na inilalantad ng media dahil sa kaduda-dudang transaksiyon, doon pa lang nating masasabing hindi siya ATTACK DOG ng mga kalaban ni Corona.

----$$$--
MAGAAN niyang masisiyasat ang “BIDA” ng Custom na si Alyas Joey kasi’y nahatulan na siya nang guilty ng pinalitan niyang Ombudsman na si Merceditas Gutierrez pero bago sumibat sa pwesto, binawi, binaliktad at inabsuelto ni Gutierrez ang dating TAUHAN ni dating pangulong Arroyo na isang intelligence officer.
Hindi na kailangan ni Morales na utusan ang AMLC kasi’y rerebyuhin lang niya ang kaso nito na nandun mismo sa loob ng OFFICE OF THE OMBUDSMAN.

-----$$$--
MARAMI ang nagdududa na magagawa ito ni Morales.
Bakit?
Sapagkat si Alyas Joey ay kilalang malakas kay PNoy kaya’t kahit may kasong graft sa panahon ni Ate Glo, patuloy itong nagkakalat ng lagim sa Customs sa kasalukuyang administrasyon.
Malabong imbestigahan ni Morales ang intel officer, kasi’y HINDI NAMAN KRITIKO ni PNoy si Alyas Joey.
Ang tanging  binibigyan lang ng PRAYORIDAD ng Ombudsman ay ang mga KAAWAY ng kasalukuyang administrasyon.
Dapat na patunayan ni Morales na MALI ang MASAMANG PAGLALARAWAN ito sa kanyang pagkatao.
Sige, nandyan lang sa kabilang opisina ang record sa kasong graft ng naturang intel officer, bakit hindi mo galawin, Madame?
He, he, he.
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May  18, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home