Friday, May 18, 2012

A FLOTILLA OF BANCAS HEADED FOR SCARBOROUGH SHOAL


MALAKI ang tama ni Magdalo leader  at Philippine Marine Captain Nicanor Faeldon na lumusob sa Scarborough Shoal at magtayo ng bandila ng Pilipinas.
Pero pinigil siya mismo ni PNoy.
At nagpapigil naman siya!!
Ang aksiyon ni Faeldon ay siyang pinakatama at pinakaangkop na gawin ng mga kilalang nag-rebeldeng sundalo laban sa mga nakaraang administrasyon.
Ipakita nila ang pagiging makabayan, hindi sa pagpapabagsak sa Republika ng Pilipinas bagkus ay laban sa mga nagtatangkang manakop n gating teritoryo.
Sa puntong diplomatiko, tama rin ang ginawa ni PNoy na pigilin ang grupo ni Faeldon dahil maaaring gumawak ang kaguluhan.
Pero, hindi dapat tumigil si Faeldon at iba pang kasamahan niya sa Magdalo na magpunta o maghayag ng PAGNANASANG pumalaot sa Scarborough Shoal—sapagkat isa itong PAGPAPADAMA ng PAGMAMAHAL sa Inang Bayan.
Hindi dapat tumigil si Faeldon na mag-organisa ng mga PATRIOTIKONG PINOY na nakahandang sumama sa kanya patungo sa Scarborough Shoal.
Mas mainam ay magpundar sila ng kanya-kanyang bangkang de motor na tatagal sa biyahe nang balikan upang IPADAMA sa China may MILYONG PINOY na handang MAGPAPAKAMATAY para lang ipagtanggol ang PANATAG SHOAL.
Kapag nakahikayat si Faeldon ng 100,000 ABLED-BODIED na MANDARAGAT na handang ibuwis ang buhay sa Panatag Shoal—iyan ang tunay na MAGPAPAATRAS sa nandudurong Tsino.
Higit na epektibo ang 100,000 MANDARAGAT na maglalayag sa Scarborough Shoal kompara sa BARKO-DE-GIYERANG bibilhin sa Kano, pero pagtatawanan lang ng Tsino.
Pero ang 100,000 kokopya sa tapang ni Faeldon na mananatili sa Scarborough Shoal, hindi puwedeng PAGTAWANAN ng mga Tsekwa.
Malaki ang tama ni Faeldon—DOON tayo magsagawa mismo ng PEOPLE’S POWER  sa mga nakausling bato sa Scarborough Shoal, wala nang iba pa!
Nandun ang isyu, nandun ang labanan, nandun ang TAGUMPAY!
(EDITORIAL  NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 19, 2012 issue. UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home