Tuesday, May 15, 2012

PRICE ROLLBACK: A BAD OMEN



BINAWASAN na ang presyo ng petrolyo!
Klap! Klap! Klap!
Siyempre, ibinalik ang dating singil sa pasahe.
Hindi nagpatihuli ang pandesal, ibinalik din ang presyo at dating sukat o bigat.
Sapat bay an para magsaya ang Pinoy?
Hindi po.
Bakit?
Sapagkat ang pagbaba ng presyo ng petrolyo sa world market ay may MASAMANG BABALA sa buong mundo.
Dapat nating maunawaan palagi ang LAW OF SUPPLY AND DEMAND: Kapag maraming SUPPLY pero mahina ang DEMAND (kakaunti ang bumibili)—bababa ang presyo; kapag kakaunti ang SUPPLY at marami ang DEMAND (marami ang bumibili o nangangailangan), tataas ang presyo.
Pwes, sa ngayon, ibinaba ang presyo ng petrolyo, bakit?
Sapagkat mahina ang DEMAND. Kakaunti ang nangangailangan sa buong mundo ng langis na ang ibig sabihin—ay matumal o tameme  ang pag-andar ng ekonomiya.
Sa aktuwal at batay sa datos, patuloy ang krisis sa buong EUROPE at ang mabigat, ang mismong INDUSTRIYA sa China—ay paralisado, marami ang pabrikang hindi umaandar.
Sa madaling salita, ang pagbaba ng presyo ng langis sa world market—ay kumpirmasyon at SINTOMAS ng panibagong KRISIS sa ekonomiya sa buong daigdig.
Ang pagkakaiba, ang krisis ay dinaranas na rin ngayon ng DAMBUHALANG China na may mahigit ISANG BILYONG POPULASYON.
Ang bagsak na ekonomiya ng China ang isa sa kongretong dahilan kung bakit INAAGAW ang Scarborough Shoal at kung bakit NAGHAHANAP sila ng gulo at digmaan.
Ang China at US ay hindi nagkakalayo ng estilo—sa gitna ng economic crisis, ang PANANAKOP  o  panggigiyera sa ibang bansa ang MAGSASALBA sa kanilang PODER.
Ang PODER ng mga lider sa China ay nanganganib na ma-AGAW ng mga kritiko kaya’t kailangang UMAGAW din sila ng ATENSIYON sa kanilang nasasakupan, tulad sa ginawa ng mag-amang GEORGE BUSH.
Ang Pilipinas ay isang inosente at KAAWA-AWANG biktima ng KRISIS ng mga superpower.
Yun lang, wala nang iba pa.
(EDITORIAL  NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, May 16, 2012 issue. UNEDITED. Cc: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745). 

0 Comments:

Post a Comment

<< Home