Monday, May 14, 2012

USAPANG BABOY


DESIDIDO pala talaga ang mga hog raisers na maglunsad ng PORK HOLIDAY.
Kumbaga, ito ang KAPIYESTAHAN ng mga BABOY.
Mabuhay ang mga baboy, Mabuhay!

------$$$--
NAKAPAGTATAKA namang masyadong one-sided ang ARGUMENTO ng mga promoter ng Pork Holiday.
Kasi’y iisa lang ang kanilang ARGUMENTO.
Nalulugi daw sila dahil sa IMPORTED o FROZEN PORK.
Sa totoo lang,  magkaibang produkto po ang FROZEN o IMPORTED PORK kaysa sa SARIWANG karne ng baboy na ibinebenta ng mga hog raisers.
Alam ito ng mga nag-alaga ng baboy sa mga bakuran o may  backyard piggery.
Alam din ito ng mga NANAY na araw-araw ay namamalengke.

----$$$--
SA totoo lang, aaminin ko sa inyo.
Sampu kaming magkakapatid at magsasaka lang ang  yumao naming ama na si Kapitan Sucing at ang aking si Inang Talia.
Isang obrero sa isang pagawaan ng TANSAN (Manlo) ang aking ama na nakatapos lang ng Grade 4 at maging ang aking ina ay nakatapos ng Grade 5—pero napagtapos kami ng KOLEHIYO lahat—sa simpleng PAGSASAKA na sinasabayan ng PAG-AALAGA ng baboy.
Sa 10 magkakapatid, wala kaming yaya, at ang mas matatanda ay may nakatokang TRABAHO.
Sa pitong lalaki at tatlong babae—hinati ng mga magulang ko ang gawaing bahay at gawaing bukid.
Ang tatlong babae ay nakatoka sa PAGLALABA, pagluluto at pag-aalaga ng bunso.
Ang mga lalaki ay nakatoka sa pag-igib ng tubig, pagtulong sa bukid—magdamo, maggapas, magtanim, mag-alaga ng baboy, manok, bibe at gulay; at magbantay sa bukid kabilang ang pangangahoy at pagkuha ng kusot sa tablerya ng mga intsik sa SABANA ng McArthur Hiway sa Balagtas at Bocaue, Bulacan.

-----$$$--
DAHIL tatlo lang ang babae, ISA ako sa nakatoka sa PAGLULUTO at naipamana sa akin ni Inang Talia ang kanyang MASASARAP na resipe particular ang ADOBONG baboy, bistek na baka at maging paksiw na pata.
Ngayon may misis na ako, isini-share ko sa aking misis ang resipe ng aking ina.
Pero ang una kong BILIN: ang PAGLULUTO o ang masarap na LUTO o ang mahusay na CHEF o kusinero—ay nagsisimula sa PAMAMALENGKE.
Kapag nagkamali ka ng pamamalengke o hindi ka marunong bumili ng karne—particular ng KARNE na baboy—sira ang husay mo sa pagluluto.
Paano mo mapapasarap ang BOTCHA? Wala na, talo ka na!
Wala nang SASARAP pa sa SARIWANG-SARIWANG karne o pork.
Kapag hindi sariwa ang KARNE, tiyak na hindi masarap ang luto. Mandaraya ka lang sa paggisa o pagbili ng mga herbal na pampasarap, tambakan  ng vetsin at inimbentong pampalasa.

-----$$$--
IBIG sabihin, ang IMPORTED PORK o FROZEN —ay wala sa listahan ng lehitimong MASARAP na resipe.
Ibig sabihin, ang FROZEN PORK—ay hindi puwedeng ipalit sa sariwang karne!
Ang SARIWA ay SARIWA, masarap ang iyong luto at ligtas ang kalusugan ng pamilya mo.

-----$$$--
ANG dapat iprotesta ng mga hog raisers ay ang COMMERCIAL FEED na may napakataas na PRESYO imbes na iprotesta ang imported pork na hindi naman nila karibal.
Maging ang bukid ay itinoka rin sa akin kung kaya’t naglagay ako ng PIGGERY kung saan naka-tatlong paikot ako ng 10 ulo ng baboy—sa pag-aalaga.
Nang ako ay ikasal, nag-alaga muna ako ng 10 baboy, tatlo ang pinalitson ko, apat ang ibinenta ko at naiwan pa ang tatlong baboy na ginamit kong paggastos sa pansimula ng buhay pamilya.
Nalulugi ang mga HOG RAISERS  hindi dahil sa IMPORTED PORK—kundi dahil sa SOBRANG TAAS ng presyo ng COMMERCIAL FEEDS.
Nakapagtatakang hindi hinihiling ng mga HOG RAISERS na ibaba ang PRESYO ng feeds.
Nangangahulugan ito na may ibang AGENDA ang PORK HOLIDAY.
Personal interest at politika ang kanilang AGENDA at hindi ang lehitimong KAPAKANAN ng mga nag-aalaga ng baboy sa mga kanayunan.

-----$$$--
HINDI man sa pag-angat ng sariling bangko, sa matagal kong pag-aalaga ng baboy sa Sitio Ulimay, hindi ako kailanman NAMATAYAN ng baboy sanhi ng anumang sakit.
Itinigil ko ang pag-aalaga dahil sa SOBRANG TAAS ng presyo ng commercial feeds.
Iyan ang tunay na isyu na DAPAT ipakipaglaban ng mga HOG RAISERS.
Sana’y naunawaan ninyo ang USAPANG-BABOY na ito.
Hik, hik, hik.

-----$$$--
SA totoo lang, sa huling pag-uwi ko sa bukid noong nakaraang linggo, WALA nang nag-aalaga ng baboy sa aming barangay.
Nanatili sa P1,000 ang halaga ng biik, pero walang bumili at mag-alaga dahil sa IISANG DAHILAN—sobrang taas ng commercial feeds na ikalulugi nila.
Hindi ang imported pork ang dahilan, kundi ang PAGKALUGI dahil sa mataas na PRODUCTION cost.
Iyan ang mapait na katotohanan na dapat solusyunan ng pamahalaan.
Batay yan sa ating personal na karanasan!!!
(BISTADO NI KA AMBO, Bulgar newspaper, May 15, 2012 issue. Cc: bistado.blogpot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745).

4 Comments:

Blogger Unknown said...


maybe you need this


https://a0f8980ir7duex8m384k0hhi2s.hop.clickbank.net/

Sun Aug 18, 12:58:00 AM  
Blogger Unknown said...

this is good for the backyard.

https://79811w3kr6a-iz8arbf8nbxoba.hop.clickbank.net/

Sun Aug 18, 01:02:00 AM  
Blogger Unknown said...


here is good for business hurry up

https://45b8e76dn610fs28xdm3thyq2a.hop.clickbank.net/

Sun Aug 18, 01:07:00 AM  
Blogger Unknown said...



here is the good for income also

https://9da31azgr66-ex93j4hoo51pds.hop.clickbank.net/

Sun Aug 18, 01:10:00 AM  

Post a Comment

<< Home