BALIMBING SA SENADO NAG-AAWAY
MAGKAKABALITAKTAKAN sa
susunod na pagbubukas ng sesyon sa Senado.
Kasi’y inihain ni Sen.
Edgardo Angara
at Sen. Jinggoy Estrada ang Anti-Turncoatism Bill na mas kilala bilang ANTI-BALIMBING BILL.
Nais gawing ilegal o
ipagbawal sa batas ang PAGPAPALIPAT-LIPAT ng partido na parang paru-paro na
lumilipat-lipat kung saan may NAAMOY NA NEKTAR sa bulaklak ang mga kandidato.
Pero, nagbanta si Sen. Serge
Osmena na kokontrahin niya ang panukala at handa siyang komprontahin si Angara .
Sa radyo at telebisyon,
matindi namang idinepensa ni Angara ang kanyang
panukalang batas na inaasahang sasanggahan ni Jinggoy.
Maaring isupalpal kay Angara ang sarili niyang RAKET na naglipat-lipat ng
LOYALTY ng partido kaya’t naging senador.
Ang pinakamalaking kasalanan
ni Angara ay ang pagsepsep kay Ate Glo kung saan itinimbog ang dating KAPARTIDO
na si Pareng Erap sa pagsasabing “nag-PAHIWATIG NG RESIGNATION” ang mismong
TATAY ni Jinggoy.
Ito mismo ang ginamit na “ebidensiya” ng Korte Suprema upang maging
LEHITIMO ang pagbaba sa poder ni Erap at maging “lehitimong Pangulo” ang dating
bise presidente na si Cong. GMA.
Wala kasi sa Konstitusyon ang
“pahiwatig ng pagbibitiw”—bilang rekititos sa pagpapalit ng pangulo.
Kabilang lamang sa rekititos
sa Konstitusyon bago maupo ang bise presidente—ay una, mamatay ang pangulo;
ikalawa, maging paralisado; mahatulan sa impeachment; at mag-RESIGN nang
aktuwal.
Tiyak namang ipagyayabang ni
Osmena ang pagiging PARTIDISTANG LIBERAL
pero kokontrahin niya ang panukala dahil
sa PANINIWALANG isa itong “KALOKOHAN”.
Hindi ito nalalayo sa termino
ni Sen. Miriam na “KAGAGUHAN” ang paglalarawan naman sa proseso sa katatapos na impeachment court.
Kung mainit ang balitaktakan
sa nakaraang impeachment, ipagdasal nating WALANG MAGSUNTUKAN sa susunod na
pagbubukas ng sesyon sa Senado.
(EDITORIAL corner ni Ka Ambo, Bulgar newspaper , June 15, 2012
issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home