Due process kay Bonifacio; due process kay Corona
IPINAGMALAKI ni PNoy sa
Independence Day speech niya sa Malolos
City ang ginawang paglilitis kay Chief
Justice Renato Corona .
Hindi niya alam, hindi siya
ang hahatol kung “tama o mali ”
ang ginawa nilang pagtanggal sa punong mahistrado, bagkus si Corona , ang 20 senador at si PNoy—ay
hahatulan mismo ng KASAYSAYAN at mga kabataan sa mga susunod na henerasyon.
Sila ang magsasabi kung
tumpak o hindi ang naging desisyon ng impeachment court at kung nabigyan ng DUE
PROCESS ang hinatulan.
Sa ika-114 taon ng Independence
Day, nagkaroon ng duplikasyon ang ginawang HATOL ng MILITARY JUNTA ni Gen.
Emilio Aguinaldo kay Gat. Andres Bonifacio.
Sa mga militante, aping uri,
hindi nakapag-aral; naniniwala silang si Bonifacio ay BIKTIMA ng pagiging
haragan ng mga edukado at elitista ng grupong rebolusyunaryo.
Hinatulan si Bonifacio sa
isang “HUKUMAN” na ang miyembro ay kaalyado ng SUPER-EHEKUTIBO na si Aguinaldo.
Sa simpleng pagbasa ng
kasaysayan, hindi pa nagsisimula ang LIHIM na paglilitis kay Bonifacio, alam na
agad natin ang magiging RESULTA—ipa-firing squad ito at papatayin, batay sa
utos ng UNANG PANGULO NG REPUBLIKA.
Kung mali o tama ang
utos ni Aguinaldo at hatol ng
JUNTA—bahala ang mga Pinoy sa kasalukuyang henerasyon ang magpasya: Nabigyan ba
ng DUE PROCESS si Bonifacio?
Sagutin ninyo yan!!
Sagutin ninyo yan!!
Ang anumang hukuman na hindi
GUMAGAMIT ng MATIBAY NA EBIDENSIYA—bilang batayan ng paghatol ay hindi isang
LEHITIMONG KORTE sa isang demokratikong institusyon.
Ang isang HUKUMAN na
hindi gumagalang o hindi sinusunod ang
tinatawag na “RULES OF COURT” o “RULES OF PROCEEDINGS”—ay hindi ito lehitimong
hukuman sa isang sibilisadong bansa.
Pero, ang hatol ng junta at
ni Aguinaldo—ay masasabing lehitimo.
Bakit?
Sapagkat, nasa ilalim ang
ating lipunan noon ng isang REVOLUTIONARY GOVERNMENT.
Pero si Corona ay hinatulan hindi sa ilalim ng
revolutionary government, bagkus ay sa isang normal na pamahalaang ginagabayan
ng Saligang Batas na kumikilala dapat sa “rules of court” kung saan ang MATIBAY
NA EBIDENSIYA lamang ang dapat batayan ng anumang paghatol.
Gayunman, sa panahon ng
kapayapaan, may isang hukuman na maaaring humatol BATAY sa KAPRITSO ng
MAKAPANGYARIHANG LIDER, pero ito ay nasasaksihan lamang sa mga kabundukan.
Ito ay ang KANGAROO COURT—ang
rules of court dito, ay kung ano ang iutos ng mga MAY KONTROL NG ARMAS sa
kagubatan.
Si Corona ba ay hinatulan ba
batay sa ilalim ng revolutionary government, sa ilalim ba ng Saligang Batas o
sa ilalim ng estilong Kangaroo Court?
Ang KASAYSAYAN lamang ang
maaaring humatol dito, hindi ang kasalukuyang may kontrol ng poder—at may
KONTROL NG MEDIA.
(EDITORIAL NI KA AMBO , Bulgar newspaper, June 13, 2012
issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09173525272)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home