PRO-BOXING:NOT A LEGITIMATE SPORTS
MARAMI ang natuwa sa ating
ANALISA hinggil sa resulta ng laban nina Manny Pacquiao at Tim Bradley.
Yun kasing ibang MEDIA at
KOMENTARISTA ay iniwasang talalakayin o
aktuwal na wala silang KARANASAN sa pusakal na SUGALAN.
Karaniwan kasing inakala nila
na ang PROFESSIONAL BOXING—ay isang LEHITIMONG SPORTS.
Hindi po SPORTS ang
professional boxing.
Ito po ang GAMBLING at
ENTERTAINMENT, at siyempre, isa itong DAMBUHALANG NEGOSYO ng mga police
characters.
-----$$$-
KAPAG tinignan natin sa
ganyang pananaw ang professional boxing—gambling, entertainment at business—mas
madali nating mauunawaan ang lahat.
Mas exciting ito at marami
ang naadik.
Sa puntong iyan UMIINOG ang
mga desisyon, opinyon at sitwasyon na inyong nasasaksihan sa professional
boxing.
Sa totoo lang, sa maniwala
kayo o sa hindi, KAKAUNTI lang ang pagkakaiba ng PROFESSIONAL BOXING at World
Wrestling Federation (WWF).
Hindi pa kasi NABIBISTO ng
mga AWTORIDAD na ang professional boxing ay PURE ENTERTAINMENT, PURE GAMBLING
at PURE-BUSINESS.
Pero ang lahat ng nakikita
ninyo ngayon—ay patungo o nakahapay sa naturang LINYA o sitwasyon.
-----$$$---
ALAM ba ninyo na kailan lang—WALA
PANG 10 TAON, kinikilala at pumopostura
ang WWF bilang pro-sports , mas kilala ito noon bilang world professional
wrestling ….ano ang nangyari?
Binago na po, ginawa nang
World Wresstling Entertainment—kasi’y MAY HALONG PANLOLOKO ito.
Kunwari lang ang mga TITULO--at inaayos ang mga “away-away” kuno sa “likod ng
camera” o mga press releases.
Yung MEDIA PROPAGANDA ay
masyadong GINARAPAL sa professional wrestling.
Ngayon—ay wala lang
maituturing na PROFESSIONAL WRESTLING—lahat ay entertainment na lamang.
Sa ganyang sitwasyon patungo
ang PROFESSIONAL BOXING.
------$$$-
KAPAG nabisto o nai-expose
ang CONSPIRACY o kutsabahan ng PROMOTERS partikular ang mga BOKSINGERONG
pinaglalaban—mula sa iisang KUWADRA tulad nina Pacquiao at Bradley---iyan mismo
ang WAWASAK sa professional boxing.
Kasi’y mahahaluan ito ng
PANLOLOKO sa taumbayan o mismo sa mga NATALO sa pustahan.
Sa totoo lang, maaaring
MAGDEMANDA sa KORTE ang mga NATALO sa pustahan sa Pacquiao- Bradley bout—kasi’y
malinaw na ang desisyon ng judges ay salungat sa COMPUTER at hatol ng mga
BOXING EXPERT.
Si Arum ay pumalag, pero ito
ay KUNWARI lang upang hindi maituro na siya ay MASTERMIND.
----$$$--
ANG ginawa ni Arum ay isang
“pagtatakip” o “PAGKUKUBLI” sa pag-usig
ng batas sa US
kaya’t nagpapanggap siyang siya ang COMPAINANT, pero sa aktuwal ay siya ang
RESPONDENT.
Walang iniwan yan sa BATAS sa
Pilipinas, kapag tumestigo yung mismong MASTERMIND—gagawing STATE WITNESS, pero
ang ituturong utak ay yung “na-FRAMED UP” na Kanang-Kamay.
Kaawa-awa naman yung
“KANANG-KAMAY”, siyempre, ise-setup ang mga ebidensiya laban sa kanya—at
mahahatulan siya, pero LIGTAS ang MASTERMIND—na umakto at kinunsinte bilang
“STATE WITNESS”.
Kumbaga, PERFECT CRIME.
Hindi nabibisto ang BOXING
MAFIA sa Las Vegas ,
dahil hanggang ngayon ito ay isang PERFECT CRIME.
Yung mga nagrereklamo sa
korte, yun mismo ang mga MASTERMIND
Tama o mali ?
He, he, he.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar
newspaper, June 13, 2012 issue, UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/
@bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/
09173525272)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home