SCIENTIFIC PACQUIAO
TILA sinisilihan ang wetpu ng mga Pinoy ngayon hanggang bukas.
Inaantay kasi nila ang laban ni Manny Pacquiao kay Timothy
Bradley.
Iba’t iba ang espekulasyon sa kabila na liyamado ang Saranggani congressman nang
4-1 pustahan sa naturang laban.
Hanggang ngayon, mas gusto ng mga Pinoy na patulugin ni Pacman ang
katunggali.
Tinatayang kokobra si Pacquiao ng mahigit ISANG BILYONG PISO manalo man o matalo.
Iyan ay sa guaranteed prize, hindi kasama ang kaparte sa
pay-per-view, endorsements at iba pang pautot sa komersiyo.
Tatabo naman ang bagugan na si Bradley ng $4
milyon—pinakadambuhalang kobransa sa kanyang boxing career.
Hindi pa man naglalaban ang dalawa, PAREHO na silang panalo.
Iyan po ang katotohanan sa likod ng professional boxing.
Iyan din po ang dahilan kung bakit hindi natin dapat HANAPIN o
i-expect kay Pacman na maging agresibo.
Kakambal kasi ng pagiging agresibo o pag-atake sa kalaban—ay
pag-EXPOSE sa panganib na MASUNTOK sa mukha.
Hindi kailangan ni Pacman na PALIGAYAHIN ang 90 milyong Pinoy na
manonood ng laban tulad sa pagkadismaya ng mga ito nang hindi MAPATULOG ng
legendary hero ang MAPANGANIB na si Juan Manuel Marquez sa huling laban nito.
Ang mahalaga ay HINDI MASAKTAN si Pacquiao at mahalaga rin bilang
isang KRISTIYANONG BANSA na hindi manganib ang buhay ng kanyang kalaban na si
Bradley—at matapos ang laban kung saan ang MAGWAWAGI ay Pinoy.
Sa aktuwal, dapat nating asahan na magpapakita si Pacquiao ng
isang scientific fight kung saan maididikit ang estilong ito kay Floyd Mayweather Jr---antay-antay lang, at
pakakawalan lang ang PAMATAY---kapag may oportunidad nang hindi mai-expose ang
ulo at katawan.
Iyan ang scientific boxing na dapat matutuhan, hindi lang ng mga
boksingero kundi maging ng mga MANONOOD sa professional boxing.
Ang DUGO sa ibabaw ng lona—ay para lamang sa mga nanatiling
BARBARO ang isip at kaluluwa tulad sa panahon ng STONE AGE.\’
(EDITORIAL NI KA AMBO, Bulgar
newspaper, June 09, 2012 issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/
@bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/
09297740745 )
0 Comments:
Post a Comment
<< Home