Friday, June 08, 2012

MINA SA MINDANAO


WALA pa ring patid ang debate kung dapat bang payagan ang pagmimina sa Mindanao.
Sa totoo lang, ang isyu dito ay hindi naman kung dapat o hindi, bagkus ay kung SINO-SINO o anong grupo ang pumipigil sa pag-unlad ng Mindanao.
Sa totoo lang, wala namang debate kung dapat magmina o hindi.
Ang debate ay kung LIGTAS ba o hindi ang isasagawang pagmimina.
Sa madaling salita, may sapat bang TEKNOLOHIYA o inhinyera o  kakayahan geolohiya ang mga GINAWARAN ng kontrata?
Yan ang punto-de-bista ng debate.
Kasi’y kung pipigilin mo ang PAGMIMINA, bale, pinigil mo ang KAUNLARAN ng Mindanao.
Kailan pa papakinabangan ang LIKAS NA YAMAN dito?

-----$$$--
NGAYON, naigawad na ng gobyerno ang kontrata sa Saggitarius Mines, Inc at kapartner nito ang eksperto sa world mining na  XSTRATA para sa $6 bilyong gold- copper mining sa Tampakan, South Cotabato.
Kailangang patunayan ng mga kritiko na walang kakayahan ang XSTRATA bago nila pigilin ang naturang pagmimina.
Kung may sapat na kakayahan ang mga PROMOTOR ng  proyekto at  mapangangalagaan ang paligid at mga residente sa negatibong epekto ng pagmimina, walang BATAS na makakapigil dito.
Ang dapat lang matiyak ay kung sumusunod ito sa itinatadhana ng batas at iba pang rekititos sa implementasyon nito.
Yun lang.

-----$$$---
IPINAGTANGGOL ni Pareng Erap ang pagkakapili kay Migz Zubiri sa senatorial lineup ng UNA.
Pero, kinokontra ito ni Sen. Koko Pimentel na nagbanta na  hindi siya aakyat sa entablado kapag kasama sa tiket si Zubiri.
Inakusahan kasi ni Atty. Koko si Migz na nandaya, pero hindi naman niya KINASUHAN.
Abogado pa naman siya, pero hindi niya alam ang kanyang IBINIBINTANG.
Kasi’y kung naniniwala siya na nandaya si Migz, aba’y idimenda niya.
Kapag abogado ka, hindi puwedeng NGAKNGAK lang ng ngakngak!!

----$$$---
KUNG inilalantad na ng grupo ni Pareng Erap at  Vice Binay ang kanilang tiket, sumali na rin si PNoy sa kanyang mga naunang binendisyunan.
Kabilang sa unang tinukoy na panlaban ng Liberal Party ay sina Risa Hontiveros- Baraquel; Butch Abad; Danilo Lim at Ruffy Biazon.
Si Hontiveros ay lider ng Akbayan na isa sa nasa likod ng pagpapatalsik kay CJ Renato Corona.
Si Abad naman ay siyang budget secretary na nagdedesisyon sa pork barrel.

----$$$--
SI  Lim ay deputy ng Bureau of Custom na pinamumunuan naman ni Commissioner  Ruffy Biazon.
Isang dating “rebeldeng sundalo” si Lim na hepe ng Scout Rangers samantalang dating kongresista at anak ni dating senador Pong Biazon si Ruffy.
Laman ngayon ng mga balita si  Biazon kasi’y sunod-sunod ang nahuhuling ismaglers at illegal brokers sa Aduana.
Pero, para kay Gov’t Watch Raul T. Concepcion, dapat ay manatili muna nang matagal si Biazon sa Customs bago kumandidato.
Para sa kanya, dapat munang   malinis nang todo ang Aduana at pataasin nang dire-diretso ang koleksiyon ng buwis bago maging senador si Biazon.
Huh, malaki ang tama ni Ka Raul dyan ah.
He, he, he.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, June 09, 2012 issue. UNEDITED. CC: bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745 )

0 Comments:

Post a Comment

<< Home