Thursday, May 31, 2012

IMPEACHMENT MAY CAMPAIGN PERIOD, NGEK!


INAMIN ni Senate President Juan Ponce Enrile na  WEAK ang ebidensiya ng PROSEKUSYON.
Malinaw na HINATULAN si CJ Renato Corona  hindi BATAY sa MATIBAY na ebidensiya—isang malaking PROBLEMA ito sa jurisprudence.
Magiging PRECEDENT ito sa alinmang hukuman.
Sa tingin natin ay dapat kuwestiyunin ang ganitong BATAYAN sa pagdedesisyon.
Kailangang SANG-AYUNAN ng Korte Suprema na MAARING HATULAN ang akusado o ideklarang GUILTY kahit MAHINA ang ebidensiya—batay na rin sa PAG-AMIN ni Enrile.

----$$$--
HINDI layunin ng petisyon sa Korte Suprema na IPAWALAMBISA ang naturang hatol, bagkus ay upang HINDI MAILIHIS ang jurisprudence dahil sa KAKAIBANG DISKARTE  ng mga senador sa pagbaba ng hatol.
Para kay Sen. Miriam, isang KAGAGUHAN  ang magdesisyon ka nang HINDI BATAY SA MATIBAY na ebidensiya.

-----$$$--
IBINUNYAG naman ni Sen. Loren Legarda na nag-CAUCUS ang Enrile block upang bumuto nang BLOCK VOTING sa impeachment trial.
Ibig sabihin, nagkaroon ng CAMPAIGN PERIOD.
Ito lang ang tanging HUKUMAN na may “KAMPANYAHAN”.
Malinaw na AGRABIYADO si Corona sapagkat biktima siya ng BLOCK VOTING ng grupo mismo ng PRESIDING JUDGE.

-----$$$---
DAPAT kuwesitiyunin ang PROSESONG ito  hindi para iaabsuelto si Corona kundi upang MABIGYAN ng DUE PROCESS at hindi MAKAPAMBIKTIMA ng ganitong klase ng JURISPRUDENCE  sa Pilipinas  sa mga susunod na ISASALANG sa impeachment.

-----$$$--
MALINAW ngayon na ang isyu sa Corona Impeachment ay hindi QUESTION OF FACTS, kundi question of law.
Kapag interpretasyon sa batas—iisa lang ang binibigyan ng KAPANGYARIHAN ng Konstiusyon na magpaliwanag—ito ay ang KORTE SUPREMA.

-------$$$---
SA ngayon, lumalabas na ang pinaka-TUMPAK na hatol ay ang hatol ng tatlong dissenting votes na sina Sen.Joker Arroyo, Sen. Miriam Defensor Santiago at Sen. Bongbong Marcos na bumuto nang INDEPENDENT at hindi INIMPLUWENSIYAHAN ninuman.
Dapat natin MAUNAWAAN na ang MAYORYA  O KAHIT ANG TWO-THIRD VOTES ay hindi garantiya ng KATOTOHANAN o pagiging TUMPAK.
Kahit nag-SOSOLO ka o nag-iisa kontra sa 1,000 boto ng mga MALI—mananatiling TUMPAK ang isang BOTO.
Ang paghuhusga o ang pagpaparusa, ay hindi NAKABATAY kung sino ang TUMPAK bagkus ay kung sino ang MAY PINAKAMARAMING bilang sa naturang opinion.
Ibig sabihiin, hindi garantiya na ang 20 HUMATOL ng guilty ay siyang TUMPAK na desisyon sapagkat, maaaring MAS TUMPAK ang DESISYON       ng tatlong nag-absuelto  kay Corona pero NADAIG lang sila ng bilang.
Kumbaga  kahit ka NAG-IISA laban sa ISANG MILYONG MALI, maaaring ikaw ang TANGING TUMPAK, yun nga lang, hindi ikaw ang masusunod kundi ang mayorya.
Ang mayorya ay hindi kasingkahulugan ng pagiging TAMA—at yan ang esensiya ng KATARUNGAN.
Kailangang mabigyan ng KATARUNGAN, hindi si Corona, kundi ang MAAYOS na proseso sa impeachment.
Maunawaan sana ito ng lahat.

------$$$---
TEKA, makikisingit lang: Kamakalawa at kahapon ay isinali  ng inyong abang-lingkod ang  unico-hijo  kong  si Jesus Rainier, 8 years  old  sa taunang 20th SHELL National Youth Active Chess Championship series.
Inanyayahan kasi si Rainier ni program director Alex Dinoy nang lumahok siya  sa 1st Rector Cup sa Don Bosco Technical School Makati noong Marso upang maging bahagi ng programa.
Binuksan ito kamakalawa, Mayo 30  sa pamamagitan ng An Inter-action With The Masters, na isang chess clinic na pinagmulan ng mga natatanging chess masters ng bansa.
Kasama sa mga master na nagturo  chess  ay sina IM Ildefonso Datu, GM- elect Ronald Dableo, NM Efren Bagamasbad, at Singaporean internationall chess instructor, arbiter          NM  Rolly Yutuc, FIDE master Randy Segara at national arbiter  Reynaldo Yaon.
Itinakda po ang 5-leg 20 years old and under; at 14 years old and under division active chess elimination sa iba’t ibang siyudad at bayan kung saan ang mamamayani ay aangat sa National Active Chess Finals sa buwan ng Setyembre.
Si Yutuc ay isa sa pinakamahusay na chess master, chess instructor  at arbiter ng bansa at kasalukuyang head coach Xavier School chess team.
 Si Yutuc  din  po ang nag-arbiter nang masungkit ng inyong lingcod ang 1st runner sa Go Teng Kok Media chess noong 2001 na ginanap sa PSC-POC media center.
Marami pong salamat.
(BISTADO NI KA AMBO column, Bulgar newspaper, June 01, 2012 issue. UNEDITED. CC. bistado.blogspot.com/ @bistadoniambo on twitter/ bistadokamao@yahoo.com/ 09297740745)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home